Skip to playerSkip to main content
  • 11 years ago
Mga payasong may dalang armas, patuloy na tine-terrorize ang isang bayan sa California!

Patuloy na nagpapakita ang mga nakakatakot na payaso sa Bakersfield, California – at nahihirapan na ang mga pulis, na nag-iimbestiga ng mahigit dalawampung reklamo.

Ang pinakahuling sighting ay noong Lunes, nang ang Bakersville resident na si Erica Kern ang nakakita ng isang payaso, sa passenger seat ng isang kotse.

Noong Sabado, rumispondi ang mga awtoridad sa tawag ng isang taong nakasuot ng damit ng payaso, at may hawak na baril malapit sa Valhalla Drive at Belle Terrace.

Nagsidatingan din ang ibang mga report ng mga payasong may dalang machete at baseball bats.

Kahit na maraming mga tumawag sa 911, ang mga loko-lokong payaso ay hindi pa naman nagsasagawa ng kriminal na aktibidad, bukod sa paninindak sa mga residente.

Ang nakakagulat ay nag-iisang payaso palang ang naaaresto. Noong isang linggo, isang teenager nan aka-clown costume ang hinabol ang isang grupong bata. Inamin niya sa pulis na ginaya niya ang mga litratong nakita niya sa Internet.

Mukhang nagsimula sa isang mag-asawa na nagsasagawa ng art project, ang clown scare na ito sa Kern County.

Sa mga litratong pinost ng mag-asawa sa Internet, ang lalake ay nagpanggap na creepy clown na may hawak na mga balloons, at ang kanyang asawa ang kumuha ng mga litrato. Weird!!


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Category

🗞
News
Comments

Recommended