WARNING: KADIRI! Pinakamalalang kaso ng kuto, nakunan ng video!

  • 9 years ago
Pinakamalalang kaso ng kuto – nakunan ng video!

Ito ang isa sa pinakanakakatakot na bangungot para sa mga magulang…ang head lice, o kuto.

Ang video na ito ay napanood na ng mahigit apat na milyong tao, mula nang mai-upload ito sa Youtube. Ipinapakita nito ang isa sa pinakamalalang kaso ng kuto…at high-def pa!

Naku, Emily, mukhang may head lice ka. Head lice? Ano yun? Tanong nga natin kay Dr. Itchy…

Ang head lice ay maliliit na insektong mahilig sa ulo ng mga bata!

Maaring magkaroon ng kuto ang kahit na sino, at ang makating pakiramdam ay resulta ng isang allergic reaction. Minsan, ang pagiging makati nito ay hindi pa natin nalalaman hanggang sa makalipas na ang tatlong buwan!

Ang kuto ay nabubuhay nang tatlumpung araw, at kinakain nila ang dugo ng kanilang host. Ang mga babae ay maaring mag-iwan ng anim na itlog sa loob ng isang araw.

Sinesemento nila ang itlog, na tinatawag na ‘nit,’ sa buhok, na malapit sa anit.

Ang bawat nit ay may nag-iisang embryo ng kuto, at bawat isang babaeng kuto ay maaring mangitlog nang mahigit isang daan at limampung nits.

Matagal nang pino-problema ng mga tao ang kuto. Pero ang kasong ito, ay mukhang daig ang iba, pagdating sa ‘kadiri’ factor. Tingnan niyo na lang ang nakakatakot na mga insekto, na sinisipsip ang dugo ng tao, at nakakahawa pa! Nangati ba ang inyong ulo habang pinapanood ang video na ito? If yes, i-share ang video sa inyong mga kaibigan!


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended