Lalake, binigyan ng CPR at mouth-to-mouth ang nalunod niyang aso!

  • 9 years ago
Lalake, binigyan ng resusitasyon ang kanyang alagang aso, matapos nitong kainin ang isang may lason na palaka!

Ang lalaking ito, sa Key Largo, ang nagligtas sa kanyang nalunlunod na aso, na binigyan pa niya ng mouth-to-mouth resuscitation.

Si Andrew Burtschin ay pauwi mula sa isang boating trip, nang dumaan siya sa bahay ng isnag kapitbahay, para magkuwentuhan. Napatingin siya sa sarili niyang bahay, at napansin niyang may nginunguya sa bakuran ang dalawa niyang aso. Ito pala ay isang may lason na palaka!

Isa sa mga aso – ang Goldern Retriever at pit bull mix na si Shadow – ang naglakad papunta sa dagat, habang humihinga nang mabigat, nang bigla siyang namulikat, at nahulog sa tubig.

Naabutan ni Andrew si Shadow, matapos mahiga nang nakababad sa tubig ang kanyang mukha, nang dalawang minuto.

Matapos mailayo si Shadow mula sa tubig, ay nagsagawa ng chest compressions at CPR si Andrew – at himala! Naligtas niya si Shadow!

Magagawa niyo rin kaya ito para sa alaga niyong aso?



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended