Lalake, namatay matapos bumangga ang kanyang SUV sa isang horseback rider!
Isang lalake sa Houston ang namatay noong Linggo, matapos bumangga ang kanyang Chevrolet Tahoe sa isang lalaking nakasakay sa isang kabayo, sa kalsada.
Ang driver ay papunta sa northwest Houston, alas otso ng gabi…gaya ng isang lalaking para sa hindi nalalamang dahilan ay nakasakay sa isang kabayo, sa gitna ng siudad.
Ayon sa pulis, nawalan ng kontrol ang driver ng sasakyan, at bumangga siya sa kabayo – napalipad sa ere ang lalaking nakasakay sa kabayo.
Pagkatapos, ay sumabit sa bumper sa likod ng sasakyan ang kabayo, na nakaladkad nang isang daang talampakan, bago napa-swerve paalis sa kalsada ang kotse.
Bumangga ang sasakyan sa isang bakal na bakod, bago ito tumama sa isang power line na poste, na gawa sa kahoy, at nawalan ng kuryente ang kalahati ng kalsada nang ilang oras.
Nagkaroon ng severe internal bleeding ang driver, na namatay sa ospital.
Namatay sa gilid ng kalsada ang kabayo, samantalang ang lalaking nakasakay sa kabayo ay naligtas mula sa nakakatakot na aksidente.
Iniimbestigahan pa rin ng Houston police ang detalye ng aksidente, at wala pang nakakasuhan sa insidenteng ito.
For news that's fun and never boring, visit our channel: http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories: http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here: https://www.facebook.com/TomoNewsPH