Oso, kinagat at pinutol ang braso ng batang lalake sa China!

  • 9 years ago
Kawawang batang lalake, natutunan kung bakit nakasulat sa sign ang “huwag pakainin ang oso,” nang kinain ng oso ang kanyang braso!

Napaka-kalmado naman ng batang ito…para sa isang batang kakaranas lang ng pagpunit sa kanyang braso ng isang oso!

Noong isang linggo, isang 9-year-old na batang lalake at ang kanyang lolo’t lola ang nagpunta sa isang park sa Henan Province, sa China.

Ang park ay may mga kulungan, na tirahan ng iilang mga hayop.

Napansin ng bata ang isang kulungang may oso…at dahil mabait at mapagbigay ang bata…binigyan niya ng merienda ang oso.

Gutom nga naman ang oso…pero imbes na kainin lang ang pagkain na inabot ng bata, ay kinuha niya ang buong braso ng bata!

Nawalan ng braso ang kawawang bata, na ayon sa mga doktor ay wala nang pag-asang maikabit muli sa kanyang katawan. Walang balita sa kung ang oso ba ay ma-eu-euthanize o mapaparusahan para sa kanyang ginawa.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended