VIDEO: Suspect sa double hit-and-run sa LA, hinahanap ng pulis!

  • 9 years ago
Mag-boyfriend sa south LA, wanted para sa hit and run – na nakunan ng video!

Hinahanap ng Los Angeles police ang mag-boyfriend o mag-asawang ito…isa sa kanila ang nagmamaneho ng SUV, na sangkot sa isang hit and run na nakunan ng surveillance video.

Nangyari ang insidente sa parking lot ng Jerry’s liquor store noong August 1st. Ini-release ng LAPD detectives ang video na ito sa Facebook noong isang linggo, sa pag-asang makakatulong ang publiko sa paghuli sa mga suspects ng attempted murder.

Alas nuwebe ng gabi – ang mag-partner, na tinukoy ng pulis bilang isang hispanic na lalake at Hispanic na babaeng nasa edad na 28 to 32, ang nasangkot sa isang away kasama ang isa pang customer, sa loob ng tindahan ng alak.

Naging pisikal ang away sa pagitan ng dalawang lalake.

Ayon sa pulis, sumakay ang dalawa sa isang kulay puting SUV, at sinagasaan ang biktima, na nakatayo sa parking lot.

Makikitang umandar pa nang patalikod ang SUV, na dinaanan ang biktima, at kinaladkad ito nang ilang talampakan, bago ito umadar paalis.

Ilang araw ring nanatili sa ospital ang biktima, pero siya ngayon ay nakapag-pagaling na nang maayos.

Hinihiling ng LAPD na kontakin sila ng kahit na sinong may impormasyon na makakatulong sa paghuli sa mga suspects.



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended