Lalake, aksidenteng nasagasaan ng van ang sarili niyang ulo!

  • 9 years ago
Lalake, tumalon mula sa umaandar na van – at aksidenteng nasagasaan ang sarili niyang ulo!

Isang lalake sa Colorado ang nabali diumano ang bawat buto sa kanyang mukha…matapos siyang tumalon mula sa kanyang van, nadulas, at nadaanan ang kanyang sarili.

Dito nangyari ang aksidente, sa East Nassau Drive sa Aurora, malapit sa Denver.

Paalis ang lalake at ang kanyang anak, mula sa kanilang tirahan, alas sais y medya ng umaga noong Linggo.

Habang nagmamaneho paalis sa driveway, nahulog niya ang nakasinding sigarilyo sa kanyang jacket. Tumalon siya palabas ng sasakyan para hindi siya masaktan – pero nahulog siya, at napunta sa ilalim ng kanyang sasakyan ang kanyang ulo! Dahil umaandar pa rin ang van, ay nadaanan nito ang ulo ng lalake.

Hindi pumayag na magpa-interview ang asawa’s anak ng lalake…pero sinabi nila sa amin sa TomoNews na nabali ang bawat buto sa mukha ng lalake nang dahil sa aksidente.

Nadala siya sa nalalapit na ospital, kung saan siya ay nasa ICU. Ayon sa mga kapitbahay, naharang ng mga awtoridad ang kalsada kung saan nangyari ang insidente.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended