Online dating, nauwi sa scary stalking, para sa isang lalake sa Taiwan!

  • 9 years ago
Lalake, naghahanap ng pag-ibig sa Internet, pero ang nakuha niya ay isang nakakatakot na stalker!

Ah, true love! Ang hirap nitong hanapin ngayon! Kaya marami sa atin ang tumutungo sa mga Internet dating sites at apps. Iyon nga lang, kapag nakakakilala ka ng maraming estranghero, hindi lahat ay nauuwi sa maayos na relasyon. Gaya ng lalaking ito.

Matapos makilala at makipag-chat sa mga babae sa isang popular na Internet dating site, inimbita ng isang Taiwanese na lalake ang isa sa kanila para sa isang ‘evening of fun.’

Okay naman ang lahat, hanggang sa nakatulog ang lalake. Dito kinuha ng babae ang cell phone ng lalake, nag-login sa dating profile ng lalake, at sinabihan ang isa sa mga babaeng nakakausap ng lalake na mayroon na itong steady girlfriend – at dinelete din niya ang lahat ng contact info sa telepono at computer ng lalake!

Paggising ng lalake ay nadiskubre niya ang nangyari, nagalit siya at pinaalis sa kanyang apartment ang babae. Pero hindi pa nagtapos ang lahat dito.

Stinalk ng babae ang lalake, at inakusahan pa ng rape ang lalake, na umabot sa korte.

Sana ay mas mahigpit na mag-screen ng mga potential hook-ups ang lalaking ito, sa susunod!


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended