SUV, nag-crash sa isang restaurant; sampung tao, nasaktan!

  • 9 years ago
SUV, nag-crash sa isang Mediterranean restaurant, at sampung tao ang nasaktan!

Isang nakatatandang babae sa Texas ang naghahanap ng makakain, at aksidente siyang nag-crash, sakay ang kanyang SUV, sa isang Mediterranean restaurant, Miyerkules ng hapon – at may halos isang dosenang tao ang nasaktan.

Si Asif Malik, na may-ari ng isang nalalapit na tindahan, ay may kausap habang nanananghalian, alas dos ng hapon, sa Houston location ng popular na Dimassi’s buffet restaurant.

Dito nagtangkang mag-park sa harap ng Arabic buffet restaurant ang isang disabled na babaeng nagmamaneho ng itim na Lexus SUV.

Pero literal siyang nag-drive in sa kainan, nang hindi niya sinasadyang maapakan ang accelerator, imbes na ang brakes…at nag-crash siya patagos sa salamin, at dumiretso siya sa mga customer ng restaurant!

Makikita sa shocking surveillance video na may sampung taong nabangga ng SUV….na umabot pa hanggang sa buffet table, bago ito napahinto.

Si Malik at ang kanyang kasama ay nahatak sa ilalim ng SUV. Ang kaibigan ni Malik, na naipit sa ilalim ng harapan ng sasakyan, ay mala-himalang naligtas matapos niyang mahukay ang kanyang sarili mula sa ilalim ng debris.

Limang tao ang nasugod sa ospital. Buti na lang at walang seryosong nasaktan. Ayon sa may-ari ng Dimassi’s, may anghel siguro na nakabantay sa kanyang restaurant. Sang-ayon dito ang mga customer.

Ang driver ay hindi nakasuhan sa freak accident na ito.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended