Ang Shooter Detection Systems na kaya ang sagot sa gun violence sa mga eskuwelahan?

  • 9 years ago
Ang school shooting alarms ba ang sagot sa gun violence sa mga eskuwelahan?

Ito ang pangarap ni Christian Connors, CEO ng Shooter Detection Systems. Ayon sa kanya, ang kanyang sistema ay maaring maka-detect ng mga baril na napaputok sa layo na dalawampu’t limang meters mula sa isang sensor.

Ang mga sensors ay may dalawang infrared cameras, na naghahanap ng flash mula sa firearms. Mayroon din itong dalawang mikropono na nakikinig para sa malalakas na ingay.

Kapag naka-detect ng flash AT malakas na ingay ang sensors, ay ipapaalam ng system sa pulis at teachers ang tungkol sa posibleng shooting. Ibibigay nito ang eksaktong location at screenshot ng location kung saan napaputok ang baril, para mapaikli ang response times at mabawasan ang mga casualties.

Ayon sa manufacturer’s website, ang average duration ng isang school shooting ay nasa labindalawa’t kalahating minuto, at ang average response time ay nasa labing-walong minuto.

Ayon sa manufacturer, ang pag-reduce ng response time at human error ang magpapabawas sa mga casulaties sa mga school shootings. Sinisigurado din ng kanilang device na ang mga estudyante ay madalas na napapaalala na ang kanilang mga kaklase ay maaring mawalan ng kontrol sa kahit na anong oras.

Anong masasabi niyo dito? Mag-iwan ng opinyon sa comments.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended