Best Man, na-video na nanlalalake ang asawa ng kanyang kaibigan!

  • 9 years ago
Best Man, nahuling nanlalalake ang asawa ng kanyang kaibigan, on video!

Ang saya-saya nila no? Kung hindi lang sana ikinasal sa ibang lalake ang babaeng ito. Ang malas na babae ay nahuli, on camera, na nanlalalake – ng best man ng kanyang asawa!

Ang video ay naipost sa Reddit, kasama ang paliwanag na ito: naghinala ang lalake na ang asawa niyang si Nina ay nanlalalake, isa’t kalahating taon matapos silang ikasal.

Pinakiusapan ng lalake ang best man niyang si James na sundan si Nina, matapos niyang madiskubreng pupunta ito sa isang bar isang gabi.

Ang video, na ngayon ay naging viral, at nagsimula kay Nina, na napakalapit sa isang lalake sa isang bar.

Nang kumalas si Nina sa lalake, at iniyuko ang kanyang ulo, sumingit si James, na tinanong kung ano ang nangyayari…at sinagot siya ni Nina ng, “you know what’s going on.”

Dito nilabas ng Mystery Man ni Nina ang kanyang telepono, para masilawan ang camera, para hindi siya makilala. Sinabi ni James sa lalake na okay na ideya ito, at nagpakilala siya sa lalake.

Nang nalaman ng asawa ni Nina ang mga nangyari ay umuwi ito, kinuha ang kotse at singsing ni Nina, at binigyan niya ang babae ng isang araw para lumayas mula sa kanilang bahay.



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended