Si Christina Kurylo ay nasa isang Air Canada flight mula Calgary papuntang Grande Prairie, nang napilitang magsagawa ng crash landing ang piloto sa Edmonton, dahil sa malfunctioning landing gear.
At biglaang nahampas si Christina sa ulo ng isang propeller mula sa eroplano! Anong nangyari?
Habang nagte-takeoff ang eroplano, nakarinig ng malalkas na ingay ang mga pasahero. In-announce ng crew na isa sa mga gulong ng landing gear ang pumutok, at ang flight ay na-divert sa Edmonton para sa emergency landing.
Umabot naman nang maayos sa Edmonton ang eroplano.
Pero nang nag-extend ang landing gear, napansin ng mga pasahero ang isang butas na kasinglaki ng basketball, sa gulong!
Pag-landing ng eroplano, nag-collapse ang landing gear. Narinig ng pasahero na kumaskas sa kalsada ang eroplano, nakakita sila ng siklab ng apoy, at nakaamoy sila ng nasusunog na bakal.
Nakaupo si Christina sa seventh row, nang nag-crash sa kanyang bintana ang propeller mula sa eroplano. Ayon sa kanya, alam niyang swerte pa rin siya at maaring mas malala ang nangyari.
Apat na pasahero ang na-ospital para sa mga minor injuries. Animnapu’t pitong pasahero at apat na crew member ang nagamot sa eksena.
For news that's fun and never boring, visit our channel: http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories: http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here: https://www.facebook.com/TomoNewsPH