Kanibal o drug addict? Lalake, kinain ang mukha ng isang babae sa Wales!

  • 9 years ago
Nababaliw na kanibal, kinain ang mukha ng isang babae sa Wales!

Isang nakaka-shock na cannibal murder, nauwi sa kamatayan ng attacker at biktima.

Isang maliit na hotel sa South Wales na tinitirhan ng mga homeless, ang naging eksena ng isang karumal-dumal na murder, noong Biyernes.

Inalerto ng hotel staff ang pulis, matapos atakihin ng isang lalake ang isang babae, pero hindi nakahanda ang mga officers para sa nakakatakot na eksenang natagpuan nila, nang rumispondi sila sa tawag. Sa loob ng tahimik na hotel, at may lalaking nakayuko sa ibabaw ng katawan ng isang babae – at kinakain niya ang mukha ng babae!

Ang kanibal ay ang 34-year-old na si Matthew Williams, at kinain niya ang laman at mata ng isang 22-year-old na British na babae, na minsan niyang naka-date.

Mabilis na ginamitan ng mga officers ng isang high voltage taser ang killer, pero hindi na nila naligtas ang babae, na nakumpirmang patay sa eksena.

Habang papunta sa ospital ang killer, ay naging unresponsive ito, at namatay. Iniimbestigahan ng pulis ang insidente, pero wala pa silang nalalamang motibo para sa cannibalistic na pag-atake nito.

Ayon sa isang UK news source, ang killer ay gumamit ng cocaine, bago siya nagsagawa ng murder, at mayroon din siyang criminal history – nakulong siya ng limang taon para sa bayolenteng pag-atake sa isa pang babae. Dalawang linggo pa lang siyang nakakalaya mula sa bilangguan, bago nangyari ang murder na ito.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended