VIDEO: Russian na lalake, na-KO sa isang suntok ang dalawang attacker!

  • 9 years ago
Dalawang bruskong Russian na lalake, na-KO ng isang mas malupit na lalake!

Nakunan ang video na ito, ng security camera sa labas ng isang bar, sa isang maliit na bayan sa Russia. Ayon sa mga reports – na hindi pa nakukumpirma sa ngayon – ang mga lalaking nasa kalsada ay nangha-harass diumano ng mga babae sa isang bar o nightclub. Nang tinanggihan sila ng isang babae, tatlo sa kanila ang nagtangkang hatakin ang babae sa VIP area.

Ang asawa ng babae ay nasa banyo habang nangyayari ang lahat ng ito, pero nang nalaman niya ang tungkol sa insidente, ay dinala niya sa labas ang mga lalake.

Ang lalaking ito ay si Nikolav Vlasenko, isang boksingero. Sinubukan niyang tapusin ang away sa tahimik na paraan, pero dahil lasing na ang mga lalake, ay lalo lang silang nanggulo. Nilapitan ng dalawang lalake si Vlasenko, at mukhang balak nilang manakit – pero sa isang suntok ni Vlasenko, ay knockout agad ang mga ito! May ikatlong lalake, na walang kamalay-malay na napatumba na pala ang kanyang mga kaibigan, at sinubukang makipaglaban kay Vlasenko. Tumba din siya. Wala nang nagawa ang ibang mga lalake kung hindi sumuko.

Ang mga nasaktan na lalake ay nag-file ng mga complaints, at balak diumano na idemanda si Vlasenko.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended