Nabubulok na daliri ni Jose Canseco, natanggal sa isang Vegas poker game!

  • 9 years ago
Ang nagde-decay na daliri ni Jose Canseco, naputol na nang tuluyan sa isang poker tournament sa Vegas!

Ibinalita namin noong isang buwan, na aksidenteng nabaril ng retired baseball legend na si Jose Canseco ang kanyang kamay, habang nililinis niya ang kanyang baril – at halos maputol ang kanyang middle finger.

Noong Biyernes, itinweet ni Canseco na nawalan na siya nang tuluyan ng kanyang daliri, sa isang poker game sa Vegas.

Heto ang nangyari:
Naglalaro ng poker si Canseco, at nang ibabato na niya ang kanyang mga baraha, ay napalipad ang kanyang middle finger, na nakakabit sa kanyang kamay sa pamamagitan ng surgery.

Pagkatapos ay ipinabahagi ni Canseco ang nakakakilabot na pangyayari sa kanyang mga Twitter followers.

Sa kanyang Tweet, sinabi ni Canseco na dapat ay na-amputate na ang kanyang daliri, pagkatapos ng aksidente, dahil wala nang butong nagsisilbing koneksiyon sa pagitan ng kanyang kamay at daliri. Mabaho din ito, ayon sa kanya.

Nakunan ng isa sa mga poker buddies ni Canseco ang buong pangyayari, gamit ang kanyang cell phone, pero mukhang malaki-laki ang babayaran niyopara mapanood ito. Binili na kasi ng manager ni Canseco ang video.

Feeling namin ay mapupunta rin ang video na ito sa isang auction sa eBay.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended