Vegan na ina, ayaw bigyan ng gatas ang nagugutom niyang baby!

  • 9 years ago
Isang vegan na ina, pilit na ginagawang vegan ang nagugutom niyang baby!

Okay, kids…ano ang parehas pagdating sa mga baby lions at baby humans? Pareho silang mammals…at pareho silang umiinom ng gatas! Tama! Ngayon, ano ang kinakain ng mga lions kapag mas malaki na sila? Karne, dahil sila ay mga carnivores, diba? At ano naman ang kinakain ng mga tao? Iba’t ibang pagkain, dahil tayo ay mga omnivores!

Pero may mga taong nagiging vegans…hindi sila kumakain ng kahit na anong animal products. Walang gatas, honey, isda, at iba pa. Si Sarah Markham, na may maliit na baby, ay isang vegan.

Maraming masasaya at malulusog na vegans. Pero ang breast milk ni Sarah ay hindi sapat para sa kanyang newborn baby, na nawalan ng ten percent ng kanyang body weight, kaya nag-utos ang isang judge na gumitna ang isang doktor.

Nag-prescribe ng infant formula ang mga doktor, para idagdag sa breast milk ni Sarah, pero nagdesisyon si Sarah na bigyan ng vegan soy formula ang kanyang baby. Lalong lumala ang kalusugan ng baby, na kinuha ng mga awtoridad mula sa kanyang ina, na napaka-tigas ng ulo.

Ngayon ay nasa korte si Sarah, na humaharap sa mga criminal charges. Ayon sa mga report, ang mga baby ay maaring mabuhay sa isang maayos na vegan diet, pero hindi lang ito gumana para sa baby ni Sarah. Ano sa tingin niyo – dapat bang ibalik kay Sarah ang kanyang anak? Mag-iwan ng opinyon sa comments.



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended