Lalake sa Saudi, humingi ng divorce matapos makita ang mukha ng asawa!

  • 9 years ago
Lalake sa Saudi, nakita ang mukha ng babaeng kanyang pinakasalan para sa kauna-unahang pagkakataon – at agad na humingi ng divorce!

Ini-report ng Saudi newspaper Okaz ang isang kasalan na nagtapos, ilang sandali lamang matapos ito masimulan…

Iniwan ng isang groom mula sa bayan ng Medina ang kanyang bride, matapos niyang makita ang mukha ng babae, para sa kauna-unahang pagkakataon.

Hindi pa nagkikita o nagkakakilala ang dalawa, bago sila ikasal, at normal lang ito sa kanilang tradisyon. Pero nang hiniling nga photographer na tanggalin ng babae ang suot niyang veil para makunan siya ng litrato, ay medyo bayolente ang naging reaksiyon ng lalake, na humingi diumano ng divorce, at sinabi sa babae na hindi niya ito gusto.

Ayon sa Okaz, ay naiyak ang babae, at narinig nila ang isang lalake, na nagsabing: “Sana’y wala siyang mahanap na babaeng magpapakasal sa kanya.“ Agree kami diyan!



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended