Babaeng teenager, niligtas ang buhay ng isang toddler sa Walmart!

  • 9 years ago
Babaeng teenager, niligtas ang buhay ng isang toddler sa Walmart!

Noong isang linggo, nagpunta si Abby Snodgrass sa Walmart na ito sa High Ridge, Missouri, para mamili – at lumabas siyang isang hero!

Ang 17-year-old na high school senior ay nagsha-shopping nang may nag-announce sa PA na kailangan nila ng taong may medical training, para tulungan ang isang baby na hindi na humihinga.

Sumogod si Snodgrass sa eksena, kung saan may isang 11-month-old na baby girl na mukhang nawalan na ng buhay.

Kailan lang ay natuto siyang magsagawa ng CPR sa eskuwelahan, at ginamit niya ang training na iyon, para matulungang makahinga ang baby.

Pinuri siya ng buong komunidad, at natural, ng ina ng baby.

Nakipag-partner ang emergency responders ng komunidad sa local school district, at nagsimula silang magbigay ng CPR training sa lahat ng mga local high school students noong isang taon.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended