VIDEO: Pampatanggal ng pagod: panda na naglalaro sa snow!

  • 9 years ago
Panda na naglalaro sa snow, matutunaw kahit ang pinakamatigas na puso!

Napakaginaw sa labas, kung saan may naipon na snow. Isang bagay lang ang makakapagpatunaw sa malamig at matigas na puso --- ang video na ito, ng isang panda na naglalaro sa snow!

Sino naman ang hindi matutuwang panoorin ang isang panda na naglalaro sa snow? Ang nasa video na ito ay si Da Ma, isang giant male panda sa Toronto Zoo. Makikitang ginagamit niya ang kanyang katawan bilang isang toboggan.

Tutoo naman na walang inaalala ang mga panda, na gaya nating mga tao, pagdating sa snow. May balahibo sila, na nilalabanan ang ginaw…hindi nila kailangan na mag-commute papunta sa trabaho…hindi nila kailangang dalhin sa eksuwelahan ang kanilang mga anak…hindi rin nila kailangang hukayin ang snow para malinis ang kanilang mga garahe at daanan.

Ang snow, para sa mga panda, ay parang laruan. Pero okay lang sa amin, dahil ang cute cute nilang panoorin. Enjoy!


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended