Pickup artist Julien Blanc, banned mula sa UK, Brazil at South Korea!

  • 9 years ago
Most hated man ng Internet, na-ban mula sa UK!

Naalala niyo ba ang lalaking ito?

Nabalitaan namin ang tungkol kay Julien “Choke-em-down” Blanc, na ine-encourage ang mga socially awkward na lalake na kulitin, mata-matahin, at halos asultuhin ang mga kababaihan…dahil ito ang siguradong paraan na maka-sex ang mga ito. Kadiri siya sobra.

Ang nasisiguro lang namin, ay matapos pakinggan ang isa sa “Real Social Dynamics” seminar ni Blanc, ay may maraming mga lalaking nagpaloko na magbayad ng mahigit 500 dollars para pakinggan ang napakasamang advice. Chris Brown ang kauuwian niyo niyan!

Kaya ngayon, ay iba’t ibang bansa ang nagdesisyong i-ban ang ‘dating coach’ na ito. Noong isang linggo ay na-ban na siya ng United Kingdom, kaya hindi na matutuloy ang nakaplano niyang mga seminars doon, next February.

Napaaga ring nagtapos ang Australian tour ni Blanc, salamat sa nag-iinit na protesta laban sa kanya; kinancel ng mga officials ang visa ni Blanc, at pinaalis siya mula sa bansa.

So far, ang kanyang ‘rapey roadshow’ ay na-ban na din sa South Korea at Brazil; at kasakuluyang isinasagawa ang mga petition para ma-ban din siya sa iba pang mga venue, sa ibang bansa. Buti nga sa kanya!


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended