Search
Library
Log in
Dailymotion does not manually select the videos appearing on the Topics page, they are generated by an algorithm. If you think a video is in an inappropriate Topic, report it to us

Roubaix

Watch fullscreen
7 years ago

Mga pulis sa Roubaix, France, naha-high sa amoy ng 60 lbs na marijuana sa presinto!

TomoNews PH
TomoNews PH
Mga pulis sa Roubaix, France, naha-high sa amoy ng 60 lbs na marijuana sa presinto!



Ang mga pulis sa siudad ng Roubaix, sa France, ay nag-test ng positive para sa marijuana...pero hindi raw sila gumamit nito.

Nagsimula ang lahat nang magkaroon ng 60 pounds na nakumpiskang marijuana ang isang police station sa Northern France.

Dahil nag-strike ang agency na dapat na mangongolekta at sisrain ang contraband, walang nagawa ang police station kung hindi ilagay ang marijuana sa kanilang basement.

Makalipas ang ilang araw, napansin ng mga officer ang iilang mga epekto ng amoy ng marijuana, na nagmumula sa basement. Kabilang na rito ang pagkahilo at sakit sa ulo. At least ay iyan ang kuwento nila sa kanilang mga supervisors!

Iilan sa mga officers ang napaisip, at itinest ang kanilang sarili para sa marijuana -- at bumalik na positive ang resulta!

Para sa mga mahilig sa marijuana, ang ma-high sa pag-amoy lang nito ay heaven para sa kanila...pero walang ebidensya na maari nga tayong ma-high nang hindi sinisindihan ang marijuana.

Maari ring ito ang sagot sa misteryosong pangyayaring ito.

At para sa mga hindi nakakaalam -- kahit na kilala ang mga French sa pagiging open at liberated, ang kanilang batas pagdating sa marijuana ay mahigpit; ang mga nagtatanim nito ay maaring makulong nang tatlumpung taon, at mamultahan ng seven milliong Euros, kapag sila ay nahuli.



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH
See more about