Teenage drug dealer sa Florida, naaresto dahil nag-post siya ng napakaraming ebidensiya sa Twitter!

  • 9 years ago
Teenager sa Florida, naaresto para sa drugs...dahil nag-iwan siya ng isangkatutak na ebidensiya sa Twitter!

Ang 18-year-old na si Evan Steward ay hindi itinatago ang kanyang paggamit ng drugs. Ang kanyang Twitter feed ay puno ng mga litratong nagpapakita ng kanyang paggamit at pagbenta ng drugs.

Siyempre, ang taong napakatanga at nagawang ilagay ang ilegal niyang gawain sa Twitter, ay nagawa ring magmaneho nang walang headlights sa kotse...habang dala-dala niya ang marijuana, prescription drugs at drug paraphernalia.

Si Steward at napahinto para sa nawawalang headlight at pumayag sa isang search.

Wala raw siyang dala sa kanyang kotse, at wala rin daw syang itinatago. Maari niyo nang hulaan kung ano ang sumunod na nangyari.

Natagpuan ng pulis ang dalawang bag ng marijuana, labing-siyam na Xanax bars, isang grinder at isang scale. Si Steward ay na-book sa labing-siyam nadrug charges.

At para sa mga nagtatanong -- ang mga drug photos sa kanyang Twitter feed ay nandun pa rin. Marami pang litrato ng marijuana, isangkatutak na Ketamine para mapatulog ang isang elepante, at cocaine. Oh, at marami pang marijuana.

Tip namin para kay Evan: tanggalin na ang mga litrato, and exercise some common sense please!



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended