Lalaki, naaresto dahil nangako siyang pumatay kapag nakakuha siya ng 100 retweets sa Twitter!
  • 9 years ago
Lalaki, naaresto dahil nangako siyang pumatay kapag nakakuha siya ng 100 retweets sa Twitter!


Inaresto ng pulis ang lalaking nagsabi na babaril siya ng isang tao matapos siyang nakakuha ng isang daang retweets.

Ilang araw ang nakalipas, nang nag-Tweet si Dakkari McAnuff na balak niyang bumaril ng isang tao kapag nakakuha siya ng isang daang retweets -- at sinama pa niya ang litratong ito, para patunayan na siya nga ay seryoso.

May mga nag-retweet naman, at sabi ng isang Twitter user, tatawa daw siya nang tatawa kapag naaresto si McAnuff.

Pero walang paki itong si McAnuff, at itinweet niya ang litratong ito, na tila pinapatunayan na tapos na ang pambabaril na kanyang pinangako.

Nabalitaan ng pulis ang kagaguhan ni McAnuff, at nahanap nila ang Twitter account nito, pati na rin ang kanyang location sa downtown LA.

Naaresto si McAnuff ng mga pulis, at kinuha nila ang baril nito, na isa palang air rifle.

Mukhang naghahanap lang ng atensiyon si McAnuff. At nakuha niya ito -- sa jail, kapalit ng 50,000 dollar bail.

Mukhang kinailangan niyang matutunan na may mga biro na talagang hindi nakakatawa.

Well, hindi nakakatawa para sa kanya, pero malamang ay sumakit ang tiyan ng lalaking ito sa kakatawa.



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH
Recommended