OUCH: Lalake, nasaksak ng 400 porcupine quills sa kanyang kamay!

  • 9 years ago
Lalake, na-ospital dahil sa apat na daang porcupine quills sa kanyang kamay!

Isang lalake sa Brazil ang hinampas ang isang hayop na inakala niya ay isang possum...pero ito pala ay may masakit na sorpresa!

Si Antonio Rodrigues Mororo ay nagpa-party sa kanilang bahay. Pero ang asawa ng kanyang anak ay natakot na pumasok sa bahay, dahil may hayop na nakatayo sa tabi ng pinto.

Si Mororo, na 50 years old, ay sinabing siya ang bahala. Nilapitan niya ang hayop at hinampas ito paalis...at nakakuha siya ng apat na daang porcupine quills sa kanyang kamay!

Binigyan si Mororo ng tatong injection ng anesthesia sa ospital...pero hindi pa ito sapat para matanggal ang sakit...

Siya ngayon ay nagpapagaling, matapos ang isang tetanus shot at isang round ng mga antibiotics. Ouch!


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended