Lalake, nalasing at nanghipo ng mga babae sa isang flight, naaresto ng air marshals!

  • 9 years ago
Lalake, nalasing at nanghipo ng mga babae sa isang flight, naaresto ng air marshals!


Lalaking lasing sa isang international flight, hinipuan ang lahat ng taong kanyang nakita!

Isang flight mula Philadelphia papuntang London ang napabalik, Martes ng gabi, matapos maglasing at manghipo ang isang lalaking pasahero.

Si Robert John Coppack, na isang dual US at UK citizen, ay naging dahilan ng pagbalik ng eroplano sa Philly, wala pang isang oras matapos itong lumipad sa ere.

Hindi malinaw kung nalasing si Robert sa airport, sa tarmac, o sa pag-takeoff, pero siya ay talagang lasing.

Habang natutulog ang ibang mga pasahero, nagsimulang manghipo itong si Robert!

Nang nag-reklamo ang dalawang babaeng nakaupo sa tabi ni Robert, pinalipat siya ng mga flight attendants sa likod.

Naging abusado ang pananalita ni Robert, at hinipuan pa ang isang retired na flight attendant.

Dito na nagpakita ang federal air marshal, at nai-restrain si Robert para sa natitirang oras ng flight, na napilitang bumalik sa Philadelphia, bago pa nila nalampasan ang Massachusetts.

Pagbalik nila sa Philly, pinababa ng mga federal agents ang lasing at nanghihipong si Robert mula sa eroplano.

Siya ay nakasuhan ng intimidation of a flight crew member, at iba pang mga offense, kung saan maari siyang makulong ng dalawampung taon.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended