VIDEO: Asiana Flight 214 crash, naiwasan sana ang pagkamatay ng isang teenager

  • 9 years ago
VIDEO: Asiana Flight 214 crash, naiwasan sana ang pagkamatay ng isang teenager


May bagong kagulat-gulat na footage na nakunan matapos mag-crash ang Asiana Flight 214 noong isang taon, kung saan makikitang alam ng mga firefighters na may biktimang nakahiga sa sahig.

Si Ye Mengyuan ay naligtas matapos ang initial impact ng July 6 na crash sa San Francisco, pero siya ay namatay nang siya ay tinamaan ng dalawang emergency vehicles.

Ang bagong footage na nakuha ng CBS News mula sa helmet at dash cam, ang nagpapakita na kinawayan ng mga firefighters palayo sa 16-year-old na biktima ang mga emergency vehicle drivers.

Diniin noon ng mga opisyal na ang mga driver ng mga truck na nakatama sa teenager, ay hindi raw nakita ang katawan nito dahil natakpan siya ng foam mula sa mga firefighters.

Dalawa pang Chinese na teenagers ang nasawi, at isang daan at walumpung tao ang nasaktan, sa crash na ito.

Ang eroplano ay natumba sa runway ng San Francisco international Airport, matapos itong bumangga sa isang mabatong sea wall.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended