Brazilian na doktor, binayaran ang gangsters para putulin ang kalalakihan ng kanyang ex-fiance!

  • 9 years ago
Brazilian na doktor, binayaran ang gangsters para putulin ang kalalakihan ng kanyang ex-fiance!


Isang bagay ang batukan ang iyong ex-fiance kapag iniwan ka niya sa altar. Iba na ang gawin ang ginawa ng Brazilian doctor na si Myriam Pricilla Castro: bayaran ang gangsters para putulin ang kalalakihan ng kanyang ex.

Labindalawang taon nang nakalipas, nan gang 22-year-old ay hiniwalayan ng kanyang ex, tatlong araw bago sila dapat na ikasal.

Nagalit si Castro, at binayaran ang mga gangsters na sunugin ang bahay, i-crash ang kotse, at putulin ang kalalakihan ng kanyang ex!

Tinulungan daw ang doktor ng kanyang 76-year-old na ama, na kinontak ang mga gangsters, na sinunod ang utos ng doktor.

Nahuli at naaretso din si Castro, pero natakasan niya ang sistema at nakapagtago siya, kahit na siya ay nasentensiyahan ng anim na taong pagkabilanggo, noong 2009.

Lumipat sa Sao Paulo si Castro, kung saan nagbukas siya ng clinic at muling umibig. Ikinasal siya noong 2012, naglakbay at nagbakasyon sa maraming lugar sa buong mundo.

Natapos ang kanyang buhay-kriminal noong Martes, nang siya ay naaresto papunta sa kanyang trabaho, at nakulong.

Ayon sa kanyang abogado, si Castro ay inosente, at balak na i-appeal ang desisyon ng korte.



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended