Taiwanese gangsters, pinapanood ang mga tao ng NMA, pagkatapos manggulo!

  • 9 years ago
Taiwanese gangsters, pinapanood ang mga tao ng NMA, pagkatapos manggulo!


Mga ganster, sumigaw na "panoorin ang report sa NMA!" matapos ang isang street fight!

Ang New Taaipei City gang members na sina Wang at Yang, na perhong 24 years old, ay nag-recruit ng tatlumpung teenagers sa pagbenta ng drugs. Bilang pambayad, ay bibibigyan nila ang mga bata ng droga.

Bukod sa pagbenta ng drugs, ay kilala rin ang mga gangsters na ito sa pang-aatake ng mga tao nang walang dahilan. Sinuman ang makita nilang hindi nila type, ay sasaksakin nila.

Noong Oktubre, nakaaway nila ang isa pang gang, at inatake nila ang mga ito, binugbog, kinunan ng litrato at pinost sa Facebook, sabay hirit ng, "Pumatay kami. Kung gusto niyong malaman kung ano ang ginawa naming, manood ng NMA animation news."

Salamat sa pag-promote sa NMA, pero no thanks! Mas gusto naming itigil nila ang kanilang pananaksak sa mga tao.

Noong Martes ng gabi, nagwala sina Wang at Yang sa isang taong bumusina sa kanila. Nagtawag sila ng isang dosenang gang members, at sinundan ang driver ng dalawang kilometro. Nagpunta ang driver sa isang McDonald's na drive-thru para humingi ng tulong, pero nasipa at nasaksak parin ito ng mga gang members.

Noong Linggo, naghagis ng flares sa bahay ng isang karibal ang dalawa, at binugbog ang mga taong lumabas mula sa bahay. Si Wang, Yang, at labinlimang mga followers nila ay naaresto kahapon, at nakasuhan ng maraming bilang ng attempted murder.




For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended