‘Sundo: A GMA Integrated News Documentary,’ kabilang sa mga finalist sa 2024 New York Festivals TV & Film Awards

  • 2 months ago
Isang karangalan po naming ibinabahagi na kabilang ang ‘Sundo: A GMA Integrated News Documentary’ sa mga finalist sa 2024 New York Festivals TV & Film Awards!

Ito ang kauna-unahang news documentary ng GMA Integrated News (GMAIN) na handog ng GMAIN 360. Kuwento ito ng mga Pilipinong naipit sa digmaan mula sa mga mata nina Raffy Tima, JP Soriano at Kim Sorra.

Maraming salamat sa inyong tiwala at suporta, mga Kapuso! Makakaasa kayo na patuloy kaming maghahatid ng mga istorya at balitang napapanahon bilang bahagi ng aming mas malaking misyon at mas malawak na paglilingkod sa bayan bilang ‘News Authority ng Filipino.’

Recommended