00:00Lumutang sa pagtalakay ng 2027 budget ng Department of Health ang mungkahing unti-unting tanggalin ang Medical Assistance Program o
00:08MAP.
00:09Isinawalat din ang umunoy milyon-milyon pisong halaga ng nasayang nagamot at nutrition supplies.
00:15Saksi si Katrina Song.
00:20Sa pagtalakay ng Senado sa panukalang 378.6 billion proposed budget for DOH and its attached agencies,
00:28sinabi ni Sen. Ping Lakson na sana hindi na kailangan lumapit sa politiko ng mga Pilipino para may maipambayad sa
00:37ospital.
00:38Iminungkahin niya na unti-unting tanggalin ang Medical Assistance Program o MAP.
00:42Eventually, tanggalin na natin. Wala naman talaga dati ito eh.
00:48Nagkaroon lang ng mga ayudas during the pandemic. Matagal lang walang pandemic eh.
00:52Pero habang hindi pa ito kayang alisin, mungkahin ni Lakson sa Public Assistance Centers ng Senado at Kamara na lang
00:59iproseso ang paghingi ng tulong.
01:02DOH personnel ang susuri kung kwalipikado ang aplikante.
01:05Sa panukalang 16.2 billion pesos na pondo para sa MAP, 6 na bilyon ang mungkahin niyang ilaan sa Senado
01:12at 10.2 billion sa Kamara.
01:14Tinukoy rin ni Lakson na umano'y pagtaas ng bill ng ilang ospital kapag alam na Medical Assistance ang ipapambayad.
01:21Ayon kay Sen. J. V. Ejercito na sponsor ng DOH budget, pag-aaralan ng DOH ang mungkahin.
01:28Magpapatupad din umano ng selective contracting para mapagkasunduan na ang mga rates sa mga ospital.
01:34Pero habang hindi pa ganap ang universal healthcare, may pangangailangan pa rin daw sa MAP.
01:39Dapat po ideally, yung mga pasyente pag pumunta po ng ospital under the UAC,
01:45hindi na nila dapat problemahin yung panggamot, yung pagbayad sa doktor,
01:49at iba pa ang dapat na problemahin na rin na kung paano sila magpagaling yung honor.
01:53Sa iwalay na pagtatanong, hinanap naman ni Sen. Tito Soto ang aksyon ng hensya
01:57laban sa mga accounts sa social media na nag-aalok-umano ng abortion services at mga gamot na pampalaglag.
02:04Hindi siya nasiyahan sa paunang sagot tungkol sa pag-checheck ng lisensya ng mga pinaghihina na ang pasilidad.
02:11Bakit i-checheck kung regulated siya, kung pwede siya, kung may lisensya siya?
02:16Mali ah.
02:18Dapat hindi pwede eh.
02:20Ayon kay Ercito, nakikipag-ugnayan ang DOH sa NBI,
02:24PNP at cybercrime authorities para sa investigasyon at pagpapatanggal ng mga tinutukoy na post.
02:30Sa gamot at medical supplies naman, isiniwala ni Sen. Rafi Tulfo ang umano'y pagkakasaya na mga binili ng gobyerno.
02:39Ayon kay Tulfo, may mga dokumento siya tungkol sa humigit kumulang 13 milyong pisong halaga
02:45ng expired medicines at nutrition supplies na dinala sa Talaw Warehouse sa Kaloopan.
02:51Pero posible raw na mas malaki pa ang halaga ng mga umano'y ibinaon.
02:55Kasama rito ang 4 million worth ng nutrition packs o yung RUTF.
03:02Alam niyo natin na ito.
03:03Year after year after year, bumibili tayo nito.
03:07And yet, year after year, nag-expire at binabaon lang.
03:11Kinwestiyon ni Tulfo kung bakit paulit-ulit ang pagbili
03:14kung hindi naman na ipapamahagi at nagagamit ang mga supply.
03:18Mungkahin niya, pag-aralang ilipat sa DSWD ang pamamahagi ng nutrition packs.
03:23The DOH is now coordinating closely with the DSWD para po for better identification and distribution
03:33ng mga packs ito, especially for the first 1,000 days.
03:41Hinahanap din ni Tulfo ang investigasyon at pananagutan sa umano'y pagkakasaya
03:45ng mga gamot kabilang ang gamot para sa cancer.
03:48Sa sagot ni Ejercito, mas mahigpit na umano ang procurement
03:52sa ilalim ng kasalukuyang pamunuan ng DOH.
03:56Minimum ng 18 months ang shelf life ng mga gamot na bibilhin
03:59at mga kailangan lamang ang dapat iprocure.
04:03Dinidigitalize na rin daw ang pagmonitor ng mga supplies
04:06para mapahusay ang pagtataya sa pangangailangan at maiwasan ang pagkakasayang.
04:11Samantala, hinanap ni Senadora Riza Onteveros kung sapat ang pondo para sa zero balance billig
04:18at kung paano matitiyak na hindi pa rin pagbabayarin ang mga pasyenteng saklaw nito.
04:23Tinanong niya ang pagsaklaw sa gamot, laboratory tests, medical supplies at professional fees,
04:29pati ang pagpapabilis ng reimbursements sa mga ospital.
04:32Ayon kay Ejercito, target na mapabilis ang pagproseso ng claims
04:37at magkaroon ng mga paalala at paraan ng pagrereklamo para sa mga pasyente.
04:42Bukod dito, kailangan din daw investigahan
04:45ang nasa 216.92 million expired na gamot mula sa DOH Central Office.
04:52Ako si Katrina Son, ang inyong saksi!