00:04Mga kapuso, nalusaw o nag-dissipate na ang binabantayang low-pressure area sa West Philippine Sea.
00:10Gayunman, asahan pa rin po daw ang panandaliang ulan o thunderstorms sa Metro Manila at ilang pangbahagi ng bansa dahil
00:17sa Easter Leaves.
00:18Shear line naman ang magpapaulan sa Batanes.
00:21Asahang magiging maayos at maaraw ang lagay ng panahon ngayong long weekend.
00:26Dito po sa Metro Manila, maglalaro sa 23 hanggang 33 degrees Celsius ang temperatura habang 10 hanggang 30% ang
00:34tsyansa ng ulan.
00:36Sa Metro Cebu, mataas po ang tsyansa ng ulan na 10 hanggang 60% pero posible pa rin na magiging
00:43maaraw.
00:44Habang sa Metro Davao, 25 hanggang 34 degrees Celsius ang aasahang temperatura habang 10 hanggang 40% ang tsyansa ng
00:52ulan.
00:53Pitong lugar po ang makakaranas sa matinding init at alinsangan ngayong biyernes.
00:57Ayon sa pag-asa, posibleng umabot sa danger level na 43 degrees Celsius ang heat index sa Coron at Puerto
01:05Princesa sa Palawan.
01:06At sa dipolog Zamboanga del Norte, 42 degrees Celsius naman sa Dagupan, Pangasinan, Cuyo, Palawan, Zamboanga City at sa Botuan,
01:17Agusan del Norte.
01:18Dito po naman sa Metro Manila, aabot sa extreme caution level na 38 degrees Celsius ang heat index particular sa
01:26Quezon City at Pasay.