00:03Isang centralized na pwesto para sa mga nagtitinda sa paligid ng Redemptorist Church sa Baclaran,
00:10itatayo sa tabi ng Redemptorist Ashana Station.
00:13Ayon sa MMDA, wala nang papayagang magtinda sa palibot ng simbahan
00:17oras na matapos ang bagong Baclaran Multimodal and Market Hub.
00:21Nangangamba naman ang mga nagtitinda sa kanilang kabuhayan.
00:24Pagtitiyak ng Paranaque LGU, maglalagay ng escalator sa walkway
00:28na magkukonekta sa simbahan at sa itinatayong Market Hub.
00:33Online rumor na nang impluensya umano sa estudyanteng nanaksak sa Kaloakan City kahapon,
00:39tinutugis ng pulisya.
00:41Sabi ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center o CICC,
00:46dapat maghigpit pa ang Roblox para hindi magamit sa pagtatanim ng galit
00:51sa mga kabataang gamer ng mga nakakausap nila sa laro.
00:55Nabanggit din ng mga otoridad ang posibleng pag-uusap ng groomer at stabber sa TikTok
01:00pero duda ang CICC.
01:02Hinihintay pa namin ang reaksyon ng Roblox at TikTok.
01:06Bernadette Reyes, GMA News.