Petisyon para pisikal na iharap si ex-Pres. Rodrigo Duterte, ibinasura ng SC; Pero ‘di ibig sabihing legal ang pag-aresto 


Ibinasura ng Korte Suprema nag petisyon ng magkakapatid na Duterte kontra sa pag-aresto at pagdala sa International Criminal Court o ICC sa kanilang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte.


Sabi ng korte, wala na itong saysay lalo’t nasa kustodiya na ng ICC si Duterte.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Ibinasura ng Korte Suprema ang petisyon ng magkakapatid na Duterte
00:04kontra sa pag-aresto at pagdala sa International Criminal Court o ICC
00:10sa kanilang amang si dating Pangulo Rodrigo Duterte.
00:14Ang sabi ng Korte, wala na itong saysay.
00:17Lalot na sa kustudiyan na ng ICC si Duterte.
00:21Nakatutok si Darlene Khan.
00:27Dahil nailipad na papuntang abroad at nasa kustudiyan na siya ng International Criminal Court o ICC,
00:32sinabi ngayon ng Korte Suprema na moot o wala nang saysay ang habeas corpus petisyon
00:37na inihain ang mga anak ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
00:40Ibig sabihin ng habeas corpus ay hinihiling nilang iutos ng Korte na pisikal na iharap sa kanila ang dating Pangulo.
00:46Pero sabi ng Korte Suprema, hindi na ito maipatutupad dahil nasa kustudiyan na si Duterte ng International Criminal Court sa
00:52The Netherlands.
00:54Inihain ng mga petisyon ng magkakapatid na Congressman Pulong, Mayor Baste at Kitty Duterte,
00:58isang araw matapos arestuhin ang kanilang ama.
01:01Siyam na mahistrado ang bumotong pabor sa desisyong isinulat ni Associate Justice Jopar Dimaampaw,
01:06habang apat ang kumontra at isa ang out on official business.
01:10Pagdidiin ng Korte, sa Pilipinas lang pwedeng ipatupad ng writ of habeas corpus at hindi sa labas ng bansa.
01:16Na ayon man o hindi sa batasang nangyari, wala na raw control o kustudiya ang mga otoridad sa dating Pangulo.
01:22Paglilinaw ng Supreme Court, ang pagbasura nila sa mga petisyong ito ay hindi raw nangangahulog ang sinasabi nilang
01:27legal ang pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte o nawalang nalabag sa kanyang mga karapatan.
01:33Ang mga usaping yan ay dapat daw dumaan sa hiwalay na legal na proseso,
01:37hindi sa pamamagitan ng petisyon para sa habeas corpus.
01:41Pero may ibang opinion ng ilang mga maestrado.
01:44Sa kanyang concurring at dissenting opinion, bagamat dapat nga raw ibasura ang mga petisyon,
01:49sabi ni Senior Associate Justice Marvick Leonen,
01:51hindi siya sangayon sa kabiguan ng Korte Suprema na resolbahin ang tinawag niyang seryosong mga tanong
01:57tungkol sa saligang batas kaugnay sa kasong ito na maaari raw maulit.
02:02Nabiguraw ang Korte Suprema na bigyang gabay ang mga hukom, abogado o otoridad
02:05sa pagpapatupad sa saligang batas at sa mga obligasyon ng Pilipinas sa ilalim ng Rome Statute.
02:10Para kay Leonen, walang international court warrant na maaaring ipatupad sa Pilipinas
02:15nang hindi dumaraan sa ating Korte.
02:18Hindi rin daw nabigyan si Duterte ng pagkakataong humarap sa local judicial authority
02:22alinsunod sa karapatan niya sa ilalim ng Rome Statute.
02:25Sa dissenting opinion naman ni Associate Justice Henry John Paul Inting,
02:29giit niya na hindi moot ang mga petisyon.
02:31Dahil isang legal question ang pagkisolba kung nasunod ba ang saligang batas
02:36sa ginawang pag-aresto at pagsuko kay Duterte sa ICC
02:39at hindi isyong politikal na pagdedesisyonan na lang ng mga ahensya ng gobyerno.
02:44Sa dissenting opinion naman ni Associate Justice Antonio Coe,
02:47iginiit niyang hindi pwedeng isuko ng gobyerno ang isang Filipino citizen
02:51sa isang dayuhang hukuman o magpatupad ng anilay extraordinary rendition
02:56na walang lokal na bata sa otoridad mula sa Korte.
02:58Kaya, anya, unconstitutional daw ang pagsuko kay Duterte sa ICC.
03:04Patuloy na sinusubukan ng GMA News na kunin ang pahayag ng kampo
03:07ni Napulong, Baste at Kitty Duterte.
03:10Hinagalang naman daw ng Administrasyong Marcos ang desisyon ng Korte Suprema.
03:14Darlene Kay nakatutok 24 oras.

Recommended