00:00Aminado ang social media personality na si Gio Ong na mali ang ginawa niyang pagmumotorsiklo ng walang helmet.
00:07Sinabi niya yan nang isuko ang kanyang lisensya sa LTO kanina.
00:11Pero ang LTO hindi ikiratuwa na sumakay pa si Ong ng helicopter para pumunta sa ahensya.
00:17Saksi si Oscar Oida.
00:23Umaga pa lang marami ng nakaabang sa Land Transportation Office o LTO.
00:40Tumagsaro o ng fans ng social media personality na si Gio Ong.
00:45Matapos niyang i-anunsyo na pupunta siya ngayong araw sa LTO.
00:49Inisuhan kasi ng Shoko's Order si Ong dahil sa pagmumotorsiklo ng walang suot na helmet.
00:56Sinuspindi rin ang kanyang lisensya at pinapaharap sa opisina bukas.
01:00Pero kanina pa lang.
01:04Lumuwas na siya sakay ng helicopter mula sa Ilocosur.
01:08Ipinost pa niya ito sa social media.
01:10Pagkatapos ito ay sumakay naman sila sa luxury car papuntang LTO.
01:15Na dismayarito si LTO Chief at Transportation Assistant Secretary Marcos Lakanilaw.
01:21Big time pala.
01:23Kung nakakaluwag-luwag ka sa buhay at sikat ka, dapat maging halimbawa ka lalong-lalo na sa mga kabataan.
01:29Hindi yung magyayabang ka, magcha-chopper ka pumunta sa opisina ng gobyerno.
01:34Hindi po katanggap-tanggap yan.
01:35Tila naggamit pa raw ang kanilang tanggapan sa paggawa ng content.
01:39Sa totoo lang, hindi ngayon yung schedule niya.
01:42Nagpasabi lang siya kung maaari daw ba makausap ako at pumunta sa LTO.
01:48So, pumayag kami sa LTO na makausap siya.
01:51Kaya lang, i-announce pa niya sa kanyang vlog na pupunta siya.
01:55Na alam nyo naman na talagang may procedure lang tayong sinusunod.
01:59E kaya lang parang ginagamit nila para makapag-vlog pa sila.
02:02Ay hindi ho tama yan.
02:04Dahil influencer si Ong, inaalala ng LTO ang halimbawang nalilika ni Ong para sa iba.
02:11Pagka marami tayong tagahanga,
02:13siyempre hindi mo naiiwasan may mga bata na ginagaya kung ano yung ginagawa natin sa video.
02:20Kung merong gumaya sa inyo na isa o dalawa na nang hindi nag-helmet at na-accident at namatay,
02:27siyempre di ba, responsibilidad natin yun.
02:29Aminado si Ong na mali ang pag-umotosiklo ng walang helmet.
02:32Tao lang rin kami, minsan nagkakamali.
02:35So hindi lahat ng ginagawa namin dapat niyong tularan.
02:38Minsan kung ano yung sinabi namin,
02:41natutunan na namin yung isang bagay kaya namin nasasabi sa inyo kung bakit ito yung dapat ninyong gawin.
02:46Humarap pa siya sa fans at ipinaalalang huwag ito gagayahin.
03:00Isinuko ni Ong ang kanyang lisensya sa LTO.
03:03Kaugnay ng pagsakay sa chopper, wala raw nakikitang malirito si Ong.
03:08Service lang naman po namin so wala pong problema siguro din kasi wala naman po,
03:13hindi po ako pwede mag-drive so that's my only option.
03:17Nagpaliwalig din siya kung bakit nga inanunsyo ang pagpunta sa LTO.
03:21Gusto ko po na yung mga kamag-anak namin,
03:24kung mayroon po silang kailangan kasi kasuhin dito,
03:27ganahan sila na pumunta dito kasi nandito po kami.
03:29Ngayon lang kami magkikita-kita, may pagkakataon na silang ayusin at maliles po yung trabaho.
03:35Ako si Oscar Oydang inyong saksi!