00:00Sa mga regular na dumaraan sa expressway,
00:02posibleng mas mapabilis ang biyahe nyo
00:04dahil sa ipatutupad na barrier-less system.
00:07Ipinagutos ni Pangulong Bongbong Marcos
00:09ang pilot testing niyan sa lahat ng tollway
00:11bago matapos ang taon.
00:13Sa ilalim ng proposed multi-line free-flow program,
00:16tatanggalin na ang toll barriers
00:17para hindi na kailangang huminto
00:19ng mga motorista sa mga toll booth.
00:21Automatic na rin makukolekta ang toll
00:23sa designated lanes.
00:24Ayon kay Department of Transportation,
00:26Secretary Vince Dizon,
00:28target na gawin sa Desyembre
00:30ang pilot launch ng barrier-less system.