00:00Sa huling araw ng bail hearing sa kasong plunder labang kay Sen. Gingoy Estrada,
00:05dalawang testigo ang nagdetalye kaugday ng paghahatid umano ng kickback sa Senador.
00:11Nakatutok si Maki Pulido.
00:16Sa mga susunod na linggo, pagdedesisyonan na ng mga magistrado ng Sandigan Bayan 5th Division
00:22kung makakapagpiansa ba o hindi si Sen. Gingoy Estrada.
00:26Tinapos na kasi ng prosekusyon ngayong araw ang presentasyon ng ebedensya sa bail hearing ng Senador
00:31kaugnay ng plunder case laban sa kanya.
00:34Sa huling hearing, kaninang umaga, inupo ng prosekusyon sa witness stand
00:38ang dating staff at driver ni Henry Alcantara,
00:41dating Bulacan 1st District Engineer ng Department of Public Works and Highways o DPWH.
00:47Sabi ng staff na si Carlo Rivera,
00:49siyang inutusan ni Alcantara ang mag-impake ng mga perang hinatid ng mga kontraktor
00:54sa magkakaibang araw para sa komisyon ni Estrada.
00:57Mahigit P213 million o 25% ng mahigit P855 million flood control project sa Bulacan.
01:06Nag-impake daw siya sa opisina ni Alcantara sa DPWH Bulacan
01:09at nilagay ang pera sa loob ng sampung kahon.
01:13Sabi naman ang driver na si Edric San Diego,
01:15siya ang naghatid ng mga kahon sa basement parking ng isang hotel sa Maynila.
01:19Sinalubong na raw siya roon ang driver ni dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo.
01:25Sinabi na noon ni Bernardo sa korte na kasama siyang naghatid ng mga kahong puno ng pera
01:30na para kay Estrada sa isang building sa San Juan City.
01:33Ang P213 million na komisyon hinatid umano ng isang bagsak.
01:39Sa pagtatanong ng abogado ni Estrada,
01:41inamin ang dalawang testigo na wala silang direct knowledge sa umano'y komisyon ni Estrada
01:46at ang nalalaman nila ay base lang sa sinabi sa kanila ni Alcantara.
01:51Makipulido na katutok, 24 oras.