Kanina - Russia-Ukraine war, tinalakay sa trilateral meeting ng U.S., Russia at China; kagabi - Pagsalubong ni Xi sa World leaders 




Posibleng pagtuldok sa Russia-Ukraine war ang isa sa mga tinalakay sa makasaysayang pag-uusap ng mga lider ng Amerika, Russia at China sa sidelines ng Asia-Pacific Economic Cooperation o APEC Summit.


Ang Pilipinas naman, may nilagdaang kasunduan kasama ng Chile at nakipag-usap din sa isang major rice exporter. #24Oras




24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:05POSIBLING PAGTULDOK SA RUSSIA-UCLAINE WAR
00:57POSIBLING PAGTULDOK SA RUSSIA-UCLAINE WAR
01:00POSIBLING PAGTULDOK SA RUSSIA-UCLAINE WAR
01:30Nagkamay at nagkangitian naman ang dalawang leader. Walang bakas ang humiira na tensyon dahil sa agawan sa teritoryo.
01:36Sa pagbubukas naman ng Economic Leaders Meeting kanina umaga, nagbigay ng kasalukuyang estado ng global economy
01:42ang Managing Director ng International Monetary Fund na si Kristalina Georgieva,
01:47na bagit niya ang halaga ng paghahanda sa artificial intelligence o AI.
01:51You snooze, you lose. Countries need to rapidly put in place digital infrastructure, labor markets and workers ready for AI
02:02and risk mitigation, especially to confront financial stability and cybersecurity risk.
02:09Sa kanyang opening address, tinawag ni Chinese President Xi ang AI bilang isa sa apat na pillar o sandigan ng
02:15APEC na kailangan tutukan.
02:17Kailangan anya yang palaguin kasabay ng digital economy.
02:21Kabilang din sa pillar ang malayang kalakalan at pagtatanggal ng trade restrictions,
02:25ang pag-upgrade sa connectivity ng mga bansa at ang sama-samang pagtugol sa mga hamon sa energy at food
02:30security.
02:31Ngayong hapon naman, formal ng pinirmahan ng Pilipinas at ng bansang Chile,
02:35ang Comprehensive Economic Partnership Agreement o SEPA.
02:39Sinaksihan niya ni na Pangulong Bongbong Marcos at Chilean President Jose Antonio Cas
02:43sa sidelines ng APEC Economic Managers Meeting.
02:46Ibig sabihin, mas malaya makakapag-export ang dalawang bansa sa isa't isa.
02:50Exporter pa naman ng Chile ng mga minerals at agricultural product.
02:54We have to diversify our sources of supply.
02:59We have to center supply chains not only in the traditional sense but also to find new supply chains.
03:06So one of the policies that we have undertaken is to look to Latin America.
03:14And that is why this FDA is so important to us.
03:19Nauna ng kinausap ng Pangulo si New Zealand Prime Minister Christopher Luxon
03:23para pagtibay na ugnayan ng Pilipinas sa kanilang bansa kung saan may mahigit isang daang libong dugong Pinoy.
03:28Usapin naman sa Maritime Affairs at Food Security ang naging tema ng pulong ng Pangulo
03:33at ni President Tolan ng Vietnam, isa sa mga nage-export ng bigas sa Pilipinas
03:37at isa sa mga may pinakamabilis na paglago ng ekonomiya sa Southeast Asia.
03:42Nakausap din ng Pangulo si President Claudia Shane Baum ng Mexico
03:45para sa pagpapaiting ng trade, investment at cultural exchange.
03:53Samantala Vicky, update tayo doon sa nabanggit mong trilateral meeting
03:57sa pagitan ng China, Amerika at ng Russia na tinawag na groundbreaking ni Chinese President Xi Jinping.
04:03Nagtagal daw ang pulong na yan ng isa at kalahating oras.
04:06At sa kanyang opening statement, sinabi ni U.S. President Donald Trump
04:09na nagkakasundo sila na naisa nilang makitang matuldukan itong gyera ng Ukraine at Russia.
04:15At kabilang pa sa mga naisa lang mangyari ay ang denuclearization
04:20o ang pagbabawas ng armas ng mga bansang meron nito.
04:23Ayan naman kay Russian President Vladimir Putin,
04:26isang shared responsibility nila na makapangyarihan mga bansa
04:30ang pagpapanatili ng international peace and security.
04:34Ang karagdang detalye sa naging pagpupulong na yan,
04:37ating patuloy na tututukan live mula dito sa Shenzhen, China.
04:40Balik sa'yo Vicky.
04:41Maraming salamat sa'yo, Ivan Mayrina.
04:47Maraming salamat sa'yo.

Recommended