Narito ang mga nangungunang balita ngayong November 18, 2026


- U.S. Pres. Trump sa ASEAN-member countries: "We're with you always"

- Daing ng ilang katutubo, mawawalan sila ng lupain kapag natuloy ang Pax Silica project | Protesta kontra-Pax Silica, bantay-sarado ng mga pulis | Giit ng mga pulis, dapat manatili lang sa Liwasang Bonifacio ang mga raliyista; hindi puwedeng magpunta sa Mendiola

- Ilang kalsada sa Maynila, isinara bilang paghihigpit sa seguridad sa gitna ng mga protesta vs. U.S. President Trump

- Seguridad sa hotel na tinutuluyan ng world leaders na dumalo sa ASEAN Summit, bantay-sarado ng mga pulis

- ASEAN chairmanship, na-i-turnover na ng Pilipinas sa Singapore | Gary V., Julie Anne San Jose, at SB19, nag-perform sa closing ceremonies ng ASEAN Summit; Timor-Leste PM Gusmão, nakisayaw

- Ilang nagbakasyon sa mga probinsiya, unti-unti nang bumabalik sa Metro Manila



Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).




For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:10Transcription by CastingWords
00:37Transcription by CastingWords
01:00Ibinida rin ni Trump ang ilang mahahalagang kasunduan sa ilang ASEAN member states tulad ng Pilipinas, Malaysia, Cambodia at Indonesia.
01:07Binigyan din naman ni Pangulong Bongo Marcos ang walong dekadang alyansa ng Pilipinas at Amerika na pinagbukluda niya ng kasaysayan
01:15at ugnayan ng kanilang mga mamamayan.
01:21ASEAN and the United States are partners in shaping the region's future.
01:26When I'm asked what is the most important part of your relationship with the United States, I cannot answer the
01:33question because there is no part of our lives in the Philippines that is not involved with the United States
01:41in some way, in some shape or form or another.
01:44This is one of the world's most vibrant and productive regions filled with the tremendous potential and great friends.
01:51America is deeply committed to the success, sovereignty and prosperity of our many friends and partners, many of whom are
01:58at this table right now.
02:00But partners in this region and we always will be, we're with you always.
02:13Bantay sarado ng mga polis ang protesta kontra Paxilica sa Liwasang Bonifacio.
02:18May una balita live si Gabriel Gonzalez.
02:21Gabriel?
02:26Susanne, good morning. Tinapos na ng iba't ibang progresibong grupo yung kilos protesta dito sa Liwasang Bonifacio around 7.10am
02:34yan natapos.
02:36Nagtalumpati doon ng iba't ibang mga leader katutubo patungkol sa Paxilica project.
02:41Anila mawawalan sila ng ninunong lupain kapagka natuloy ang proyekto.
02:46As of now, bantay sarado pa rin sa magkabilang gilid itong Liwasang Bonifacio habang nagpa-pack up yung mga ralista.
02:54Samantala ayon sa Manila Police District, 15 dun sa 22 naaresto nila ang nakasuhan na mula na magsimula yung mga
03:02protesta dito noong linggo.
03:06Some ang nakasuhan matapos maaresto sa protesta dito sa Liwasang Bonifacio.
03:11Dalawa ang sa Raja Sulaiman matapos mahuling nagdadala ng iligal na rally para Fernalia at apat na nahuling nagvabandalize sa
03:21Santa Mesa.
03:22Kanina Susan ay nawitness din natin na nakipagsagutan pa ang isang leader katutubo sa pulisya para sana mapayagan silang tumungo
03:31doon sa Mendiola
03:31pero nanindigan ang pulisya na hindi sila maaaring umalis dito sa Liwasang Bonifacio.
03:37May paalala naman ang pulisya para doon sa iba pang mga grupong magsistage pa ng mga protesta dito sa lungsod
03:44ng Maynila.
03:50Tapusin na natin ito ng mapayapa kagayon nangyayang kagabi na walang hulihan, walang sakitan.
03:56Yung salitaan na ang inyong Pilipin National Police naman ay hindi picon.
04:07Susan, dito sa aking likuran kung makikita ninyo, ito yung naging kampo for three days na itong mga rallyista.
04:13At sa ngayon ay nag-aalmusal na lamang sila pero sabi sa atin ang ibang mga leader nila,
04:19anumang oras ay aalis na rin sila dito ng mapayapa at magkakaroon din sila ng clean-up.
04:25Kung baga, aayusin nila yung kanika nilang mga kalat o mga basura.
04:29At ang sitwasyon dito sa Liwasang Bonifacio, ayan na nagsimula na yung flashing ng mga otoridad para malinis yung buong
04:38Liwasang Bonifacio.
04:40Yan muna ang latest mula rito sa lungsod ng Maynila.
04:42Gabriel Gonzalez, GMA News.
04:48Lalo'ng hinigpitan ang siguridad sa mga kalsada malapit sa Malacanang.
04:52Ngayong nagpapatuloy ang kilos protesta ng ilang grupo kontra sa pagbisita ni U.S. President Donald Trump.
04:59Live mula sa Maynila, may unang balita si James Agustin. James.
05:07Susan, good morning. Kabilang itong Recto Avenue, corner San Sebastian Street sa mga saradong kalsada patungo sa Mendiola.
05:13Mayigpit itong binabantayan ng mga polis.
05:20Hinarangan ng barikadang may barbed wire sa magkabilang lane ng Recto Avenue, corner San Sebastian Street sa Maynila.
05:26Ilang metro bago makarating sa Mendiola.
05:28Bantay sarado ito ng mga polis.
05:30Ipinwesto rin sa lugar ang tatlong container van.
05:33Hindi ito madaanan ng mga motorista kaya marami ang napabuelta na lang.
05:36Apektado ang biyahe ng motorcycle taxi rider na si Eddie.
05:39Sa mga customer namin, imbis na sa loob sila maglalakad pa.
05:47Kaya no choice po na dito namin sila binababa sa dito sa may harang.
05:53Ang construction worker na si Rowell na pilitang maglakad para hindi malate sa kanyang trabaho.
05:58Wala kasi siyang masakyang jeep mula sa Legarda.
06:12May harang din ang Legarda Street Corner, Figuera Street.
06:15Walang pinapayagang makalusot ng motorista.
06:18Ikatlong araw ng malayo ang iniikutan ng tricycle driver na si Ernesto sa kanyang pahumasada.
06:22Wala rin pasok eh. Malitang kita. Kailan natin magtyaga para makakuha ng pambilang pagkain ba.
06:29Sarado rin ang magkabilang lane ng Ayala Bridge.
06:32Sa bungad pa lang may mga barrier na.
06:34Kaya kinakailangan lumiko sa Palangka Street ng mga motorista patungo sa kanilang destination.
06:45Samantala Susan, papakita ko lamang yung sitwasyon dito sa bahagi ng Recto Avenue.
06:49Kung may mga magkikilos protesa na susubukan na lumapit sa Mendiola.
06:53Ito po ang sasalubong sa kanila.
06:54Yung mga polis ng augmentation mula sa PRO 4A, nakahanay na po dyan.
07:01At bukod dyan sa mga baka na may mga barbers na nakabarikada dyan,
07:04ay sa likod dyan nandun yung mga polis.
07:06At kung sakali man na makalusot doon, ay meron pa mga container van na nakapweso sa may bandang likuran yan.
07:12Bukod pa po yung mga polis mula sa NCRPO na nakapweso naman sa mismong area ng Mendiola.
07:18Yung mga latest mula po rito sa Maynila, James Agustin, GMA News.
07:23Nakakalat ang mga polis sa Paranaque, particular sa mga pasilidad kung saan nananatili ang mga world leader na dumalo sa
07:30Asian Summit.
07:31Live mula Paranaque, yan ang unang balita ni Bam Alegre.
07:34Bam!
07:38Susan, good morning. Mahigpit ang siguridad sa palibot ng Soler Resort Entertainment City, dito yan sa Paranaque,
07:44kung saan nagpalipas ng gabi ang iba't ibang delegasyon ng ASEAN mula sa ibang bansa.
07:52Sa magdamag, nakalatag ang polis visibility sa perimeter ng hotel.
07:56Nagmonitor ang pamunan ng Southern Police District sa Advanced Command Posts sa Soler at sa PICC.
08:02Bahagi ito ng inter-agency coordination lalo at dumating kahapon si US President Donald Trump.
08:07Nakapwesto sa mga strategic na lugar ang mga mobil ng polis para magsagawa ng patrol sa lugar.
08:12Kagabi, nakipagpulong si Trump sa ASEAN leaders and dialogue partners sa ASEAN-US Summit.
08:17Dumalo rin siya sa quad meeting.
08:22Susan, ang schedule ni US President Donald Trump dito sa Pilipinas ay meron siyang state visit sa Malacanang ng alas
08:2911 ng umaga.
08:30May arrival honors and welcome ceremony sa kalayaan grounds ng Malacanang Compound.
08:34At 11.25am naman na may signing ng guestbook sa reception hall ng Malacanang Palas.
08:39Ito ang unang balita ang malarito sa Paranaque.
08:41Bam Alegre, GMA News.
08:46Formal lang na iturn over ang chairmanship ng ASEAN 2027 sa Singapore.
08:51Sinagawa yan sa closing ceremony ng 49th ASEAN Summit and Related Summit kagabi.
08:57Nagpasalamat na ba si Pangulong Bongbong Marcos sa mga tumulong at sumuporta sa chairmanship ng Pilipinas sa summit?
09:03Sa closing ceremony, best of Filipino talent ang tampok na performances.
09:09Sa panguna yan ni Gary Valenciano, Julian San Jose at SB19.
09:18Naki-induct naman sa performance sa Summit theme song na Together in Motion si Tomorrow Leste Prime Minister Kairala Sanana
09:25Gusmaw.
09:26Umakit pa siya sa stage at nakipagkamay sa performers.
09:34Pilipin natin ang sitwasyon sa Cubao Bus Terminal sa Quezon City ngayong huling araw na ng long weekend sa Metro
09:41Manila.
09:42May unang balita live si EJ Gomez.
09:44EJ?
09:49Susanne, good morning.
09:51Nagsisimula ng ang magdatingan ng mga kapuso nating nagbakasyon.
09:55Ngayong tapos na ang long weekend na dito sa Metro Manila.
09:59Ayon sa mga nakausap natin, pinili raw talaga nila na bumiyahin ng maaga ngayong araw para di maipit sa biyahe
10:07at di sumabay sa dagsa ng mga pasahero.
10:13Pasado alas 4 ng madaling araw, kanina sa terminal ng bus sa Quezon City, naghihintay ng masasakyang taxi si Alex
10:20na galing sa kawayan Isabela.
10:22Tatlong araw siyang nagbakasyon doon para sa kanilang family reunion.
10:26Siya raw ang huling pasaherong nakasakay sa bus na umalis ng Isabela pasado alas 6 kagabi.
10:31Ah, ginawa namin sa Isabela na grounds lang kami doon para sa mga konting activities lang din.
10:38Then magkasama din kami mga ka-work doon.
10:41Then meron din kami families relatives nila kasama.
10:43Bumalik kami ngayon kasi kung bukas pa, sobrang traffic.
10:47At saka wala ka na mabubuk na biyahe pabalik.
10:50Kunuan talaga siya.
10:52Sa Isabela rin nagbakasyon ang pamilya ng 78 anyos na si Nanay Lortez.
10:56Bit-bit daw nila pauwi ng Maynila ang ilang bags ng mga ulam na lutong Isabela.
11:02Inagahan din nila ang pagluwas para smooth ang biyahe.
11:05Nagpagta kami sa Our Lady of Piat, sa Kudayan.
11:09Kasi usually yun yung ginagawa ko din.
11:11Pigsita na ang kapatid ko sa Isabela.
11:15Kasi doon ang ancestry house namin.
11:18Okay lang ang bakasyon namin. Masaya.
11:20Ang grupo naman ang magkakatrabaho na sina Belinda, Mark at Diana,
11:24sa Baguio, ang naging long weekend destination.
11:28May bit-bit pa nga sila ang pagbalik sa Maynila.
11:31Mga delicacy at walis na bogaling Baguio.
11:34Kahit naka-DIY kami, masaya kami.
11:37From Baguio to Ato kami.
11:39Walking lang lahat.
11:40Walking.
11:41Walking kasi wala kaming sasakyan. Talagang as in DIY.
11:44Kasi po, dahil sa kakamihan ng mga turista, wala na tayong masakyan na tayo.
11:49Kasi ayaw yung pag-walking-walking natin, nakapag-exercise tayo,
11:52which is hindi natin nagagawa dahil sa trabaho natin.
11:56And pang adventure trip na din para sa atin.
12:00Masaya naman po. Tapos back to reality.
12:02Sisika na po kasi kaya napaaga po yung biyahe po na.
12:11Susan, tuloy-tuloy ang pagating ng mga bus dito sa terminal na ito sa Cobao sa Quezon City.
12:17Karamihan dyan galing ng Baguio, Isabela, Pangasinan, Tugigaraw, Olonga po at Zambales.
12:24Nagkakaroon lang from time to time ng traffic sa kalsadang ito.
12:29Kapag ka nga sabay-sabay na bumababa yung mga pasaher at kanya-kanyang diskarte sa pagbubok ng TNVS o di
12:35kaya naman ng taxi.
12:37At ito nga, isang bus na naman.
12:40Yung isa kanina galing ng Linggayen.
12:45Tapos, nagkakaroon tayo ng punto na nakikita natin yung ilang mga kapuso natin na bumababa dito sa terminal na ito.
12:53May mga dalang mga malalaking bagahe o di kaya naman ay mga kahon-kahon na naglalaman ng mga pasalubong.
13:01At yan, ang unang balita mula po rito sa Quezon City.
13:05EJ Gomez, GMA News.

Recommended