00:00This is important for the economy, for the price.
00:07They say that they have a mega rollback, right?
00:11But it's a mega rollback.
00:14How many gasolina are not going to do that.
00:19It's about a hundred thousand gasolina.
00:22It's based on the monitoring of the energy department.
00:25At pwede silang makasuhan.
00:27Dahil dyan, here's what we know so far with Sandra Aguinaldo.
00:32Mga kapuso, nagsagawa po ng inspection ng Department of Energy
00:37sa mga gasoline stations nationwide.
00:40At ayon sa kanila, sa 213 na kanilang na-inspeksyon
00:45ay nasa 114 yung nakita nila na hindi sumunod
00:50doon sa inanunsyo nilang rollback noong nakaraang linggo.
00:53Ayon din po sa DOE,
00:56ay kadalasan yung naririnig nilang paliwanag
00:59nitong mga gasoline stations na ito
01:02ay dahil daw ayon daw sa kanilang mother company
01:05ay mas mahal nila na nabili ang kanilang produkto
01:09kung kaya hindi agad-agad nila maibaba yung kanilang presyo.
01:13At doon po sa 16 pesos per liter halimbawa na rollback
01:18ayon po dito sa DOE, ang na-monitor nila ay yung iba
01:2210 to 12 pesos lamang ang ginawang rollback sa kanilang gasolina.
01:28Kung inyo po matatandaan,
01:30last week ay nag-anunsyo ang DOE
01:32ng mahigit 16 pesos na rollback sa gasolina
01:35at mahigit 4 pesos naman na rollback sa diesel.
01:39Pero ayon po sa DOE,
01:41may mga gasoline stations na hindi sumunod dyan
01:44base na rin po sa natatanggap nilang report
01:47kung kaya sila ay nagsagawa ng inspection.
01:50At ayon po sa kanila ay in-refer na nila yung mga reports na ito
01:56sa kanilang legal department
01:58at pwede rin po makasuhan yung mga hindi sumusunod.
02:02Nanawagan din ang DOE sa publiko na mag-report sa kanila
02:06kung meron sila nga nakita ng mga gasoline stations na hindi sumusunod.
02:12We are trying to be very fair to all our stakeholders
02:17kasi the last thing we want to do is close down any gas station
02:22kasi basic service yan.
02:23So we will report to you once we have the legal assessment already.
02:27Ako po si Sandra Aguinaldo and that's what we know so far.