00:00Naka-heightened alert ang Cyber Crime Investigation and Coordinating Center
00:05at iba pang ahensyang nagbabantay sa cyberspace.
00:09Yan ay lalo pat na sa bansa si US President Donald Trump
00:13na makakapulong bukas si Pangulong Bongbong Marcos.
00:17Ayon kay CICC Executive Director Renato Paraiso,
00:21sa ngayon ay may dalawang tao na silang inirefer
00:24sa National Bureau of Investigation o NBI
00:27matapos umanong mag-post ang dalawa
00:30ng panawagang magdala ng mga baril sa mga rally.
00:34Ang ganitong pag-uudyok daw ng karahasan
00:37ang gusto nilang iwasan.
00:39Bukod sa social media,
00:41tinututukan din daw nila ang dark web
00:43at mga online discussion forum.