00:001,000 users in the whole world are the services of the global tech company, Microsoft.
00:06Apektado ang mga ahensya ng gobyerno sa iba't ibang bansa,
00:09kabila na po ang Pilipinas.
00:10Ating saksihan.
00:15Tila tumigil ang mundo ng maraming negosyo, ahensya, at gobyerno
00:20sa iba't ibang panig ng daigdig.
00:23Ang sanhi ang problema sa servisya ng tech company na Microsoft.
00:27Apektado ang Microsoft 365,
00:31kabilang ang outlook na para sa mga email,
00:34teams na ginagamit para sa communication at video conference,
00:38at ang AI-powered assistant na co-pilot.
00:41Ayon sa isang outage tracking website,
00:44mahigit isandaang libo ang apektado ng service disruption sa Amerika simula Webes.
00:51Kabilang sa tinamaan ay mga AI services ng OpenAI at Anthropic.
00:56Dito sa Pilipinas, marami ring apektado,
00:59kabilang ang Korte Suprema na nag-anunsyo ng pagkaantala sa mga transaksyon
01:05at pagtugon sa mga mensahe.
01:07Ganyan din ang nangyari sa email ng Philippine Airlines na apektado pati e-tickets at flight update notifications.
01:16Damay rin sa outage ang operasyon ng mga government agency at negosyo sa Amerika at Japan.
01:23Ganyan din sa Taiwan at India.
01:26Pati ang spy agency at federal police sa Australia.
01:32Ayon kay Australian Home Affairs and Cybersecurity Minister Tony Burke,
01:36sinabi ng Microsoft na naniniwala silang hindi ito isang cyber attack,
01:41kundi problema sa kanilang email system.
01:44Ayon sa Microsoft, apektado ng outage ang features ng Microsoft 365 na nakadepende sa kanilang exchange online,
01:54pero gumagana naman ang iba pa nilang servisyo.
01:57Wala rin daw silang alam na anumang malisyosong aktibidad na nagdulot ng outage.
02:03Paliwanag ng Microsoft, nakaproblema ang bahagi ng kanilang infrastruktura
02:09dahil umano sa bigat ng load mula sa iba't ibang rehyon,
02:13kaya posibleng nagkaroon ng connectivity error.
02:16Anila patuloy nilang tinutugunan ang pagpapabuti ng kanilang server stability at traffic flow.
02:23Sa update nila kaninang hapon, sinabing nakakakita na sila ng positibong resulta
02:29sa kanilang service stability dahil sa kanilang traffic optimization.
02:33Ipatutupad din nila ang kanilang aksyon sa mga apektadong rehyon
02:38para sa patuloy na recovery ng kanilang servisyo.
02:41Ako si Tina Panganiban Perez, ang inyong saksi.