00:01Dagnar singil naman at dapat paghandaan ng mga customer na Meralco ngayong Nobyembre.
00:05Pero posibeng bumaba ang singil sa Desyembre ngayong pababa ang presyo ng langis.
00:10Saksi si Bernada Tray.
00:14Nagkapatong-patong na ang bayarin sa parlor na pag-aari ng negosyanteng si Shane.
00:19Mahina pa ang negosyo nitong mga nakalipas na buwan.
00:22Yung sunod-sunod po na umuulan nung last time po, halos 3 weeks po kami walang customer po.
00:27Kaya po wala din po kami pambayad yung bill.
00:30Kaya panibagong sakit ng ulo ang halos 49 centavos kada kilowatt hour na dagdag singil na Meralco ngayong Nobyembre.
00:37Katumbas yan ang 98 pesos na dagdag sa bill na makakumukonsumo ng 200 kilowatt hours kada buwan.
00:44Ayon sa Meralco, dahil ito sa mas mataas na generation cost na ibinabayad sa mga generation companies para sa paglikha
00:52ng kuryente.
00:52Naka-apekto pa rin ang gera sa Middle East, gayon din ang paghina ng piso contra dulyar nitong mga nakaraang
00:59linggo.
00:59Tumaas din ang demand sa kuryente sa Luzon dahil sa mas mainit na panahon nitong Oktubre, bunsod ng El Niño.
01:06The generation cost is primarily driven by the increase in the price of first gas prime 4 gen, which registered
01:16a 2 peso and 92 centavos increase.
01:18The wholesale electricity spot market at 4 pesos and 40 centavos round ito.
01:24Namitigate naman ng aming mga power supply agreements at almost 28 centavos per kilowatt hour.
01:31Pero kung magmamahal ang electric bill, paano na ang nakagawi ang Christmas lights sa darating na Pasko?
01:39Ayon sa Meralco, hindi naman gaano malakas kumonsumo sa kuryente ang mga Christmas lights.
01:44Ang dapat daw bantayan ay yung paggamit ng mga cooling devices gaya ng electric fan at aircon.
01:49Para maging optimal daw ang paggamit ng mga aircon, isetraw dapat sa 25 degrees ang temperatura.
01:57Ang good news, posibleng magbago ang simoy ng hangin sa Disyembre.
02:01Hindi pa kasi ramdam sa November bill ang ibinaba ng presyo ng petrolyo na ginagamit ng ilang power plant,
02:08gayon din ang pagbawi ng halaga ng piso contra dulyar.
02:11Yung fuel na ginamit na October, yun pa yung ino-order in prior months, o kunwari August or September.
02:17So hindi pa natin nakita yung efekto ng recent pagbaba ng world oil prices
02:22sa pressure ng fuel na ginagamit ng mga generator.
02:25So nakamakita natin yung mga susunod na buwan.
02:28So yung exchange rate na ginamit natin for the November generation charge,
02:32hopefully if this will be maintained until the last banking day of November,
02:39may efekto na yun sa December generation charge.
02:42Bukod dyan, may aasaan namang 17 centavos per kilowatt hour na refund
02:46mula sa actual weighted average tarif o awat
02:49na pinare-refund ang Energy Regulatory Commission.
02:52Simula na rin yan ngayong Nobyembre
02:54at tuloy-tuloy hanggang sa ma-refund sa mga customers
02:57ang kabuhuang 2.64 billion pesos.
03:01May good news ding maaasahan na mga kumukonsumo na LPG.
03:04Ayon sa LPG Marketers Association,
03:07posibleng bumaba pa ang presyo sa Disyembre
03:09dahil sa pagalaw ng presyo sa world market.
03:12As of today, ang ibinababa na po sa international market
03:15ay nasa $120 per metric ton.
03:18So ang katumbas po nito ay mga halos 10 piso na po bawat kilo.
03:22Nagbaba na po kami kahapon ng 2 piso kada kilo
03:26as initial advance rollback.
03:28At masusundan pa po ito linggo-linggo
03:30hanggang sa dumating po tayo sa Disyembre.
03:33Ako si Brunadette Reyes, ang inyong saksi.
Comments