00:00Inabot ng apat na oras na habulan hanggang boundary ng Laguna at Batangas
00:06ang pagtugis ng polisya sa armadong grupo na nang-hold up
00:10sa convenience store sa Gapan, Nueva Ecija.
00:14Nakatutok si June, venerasyon.
00:20Pagkaparada ng puting van na yan sa isang convenience store sa Gapan, Nueva Ecija,
00:24pasado alas 9 kagabi.
00:26Nagbabaan ang ilang lalaki.
00:27Sa umpisa, parang kunwaring naghahanap pa sila ng mabibili.
00:32Pero di nagtagal, may bumunot ng baril sa harap ng kahera.
00:38At nilimas ang cash register.
00:42Dalawang lalaking customer ang iginapos ng cable tie at kinalagkad ng grupo papasok ng stockroom.
00:49Sulod nilang pinapasok sa stockroom ang kahera at pinabuksan ang kahadiyero.
00:55Di nagtagal, umalis sa mga hold-upper na may mga bitbit.
00:59Pag-alis nila, nag-report ang mga tauhan ng convenience store sa mga polis.
01:03Agad hinabol ng polisya ang mga nang-hold up.
01:08Matapos ang apat na oras na habulan,
01:10inabutan ang grupo ng mga polis sa boundary ng Alaminos, Laguna,
01:15at sa Toto Tomas, Batangas, bandang alas dos ng madaling araw.
01:18Anim na sospek ang arestado.
01:20Actually, mga bata pa ito, age nila is raging from 19 to 22.
01:25During the interrogation, they also admitted that they are involved in some robbery incident somewhere in Sal province.
01:33Maganda yung naging coordination dito, kaya tayo ay nakapag-handa agad ng drug net operation.
01:39Inabangan na natin itong putting van na ito.
01:41Prepared yung tropa natin no, nung sila ay inapos sa palsada.
01:46Na-recover sa grupo ang apat na baril, apat na granada, mga plaka,
01:51at 35,000 pesos na nakuha umano nila sa convenience store.
01:56Kabilang sa mga naaresto ang leader ng grupo,
01:59na meron daw dalawang warrant of arrest sa kasong car natin at robbery.
02:03Sabi ng PNP, sa Calabar Zondo talaga nag-ooperate ang grupo.
02:07Mga convenience store daw ang karaniwan nilang target.
02:10Dumayo lang daw ang mga sospek sa Nueva Ecija para mang-hold up kagabi.
02:14Iba-ibang lugar ang pinanggalingan nila eh, pero dito sila naglalagi sa bandang tagi.
02:20Patuloy ang pag-iimbestiga sa mga sospek para malaman kung meron pa silang ibang kasama.
02:25Wala pa silang pahayag sa ngayon.
02:28Ang ino-offer natin is investigative solution.
02:30Kailangan natin na aksyonan ka agad kung merong nangyari
02:35to ensure that evidence, arrest, magkaroon ng aresto at evidence to ensure their guilt.
02:44June Venerasyon na Katutok, 24 Horas.