00:00Samatala, pinaghahandaan na ng Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP
00:05ang inaasahang pagdating ng mga delegado at world leaders sa ASEAN Summit ngayong buwan.
00:11Ayon kay CAAP Public Information Officer Bea Bernardo,
00:15patuloy ang kanilang paghahanda para sa air traffic control ng ating airspace
00:20dahil sunod-sunod na darating ang mga ito mula November 14.
00:24Kaugnay nito, nakalatag na rin ang mga isasagawang plano
00:27para sa mga maapekto ang flights dahil sa mga pagsasara ng airspace.
00:32Dagdag pa ng CAAP ay tingin nila ang pagbabantay sa airspace ng bansa
00:36para matiyak ang maayos na pagpunta at pag-alis ng mga dadalo sa ASEAN Summit.