00:01Nasunog ang isang paggawaan sa Subic Bay Freeport Zone kagabi.
00:04Apektado ng usok ang biyahe sa expressway.
00:08Balita natin ni EJ Gomez.
00:12Sa video ni U-Scooper Rexie Roan,
00:15nagdatakbuhang palabas ang ibang empleyado matapos sumiklabang sunog
00:19sa isang pasilidad sa loob ng Subic Bay Freeport Zone pasado alas 10 kagabi.
00:24Kuwento ni U-Scooper Rexie,
00:26nagmula umano ang apoy sa ground floor ng pasilidad
00:28at naamoy nila ang usok mula rito habang nasa ikalawang palapag.
00:33Kita rin ang naglalagablab na apoy sa video na ito sa pasilidad.
00:40Tulong-tulong sa pag-apula ng apoy ang Disaster Risk Reduction Management Office
00:44o DRRMO at mga bumbero ng Subic Bay Metropolitan Authority,
00:49Olongapo at Angeles at Lubaw sa Pampanga.
00:52Kinailangan gumamit ng aerial ladder ng mga bumbero para maapula ang apoy.
00:56May ilang traffic patrol ng SETEX naman ang nagmumonitor ng sitwasyon sa lugar,
01:01lalo't delikado sa mga motorista ang makapal na usok.
01:05Nang lumiwanag, mas nakita ang maitim at makapal na usok mula sa nasusunog na pabrika.
01:11Ilang sasakyanang na pamenor mula sa Subic Freeport Expressway,
01:14patawid sa Subic Clark Tarlac Expressway.
01:17Ayon sa SBMA Fire, base sa kanilang huling tala,
01:20may dalawang tao ang nagtamu ng minor injuries.
01:23Isa raw dyan ay bumberong rumispundi sa sunog.
01:26Binigyan sila ng pangunang lunas.
01:29EJ Gomez, nagbabalita para sa GMA News.