00:00Nagkasundo ang ating Department of Foreign Affairs at ang Chinese Foreign Ministry ng Panatilinang Diplomasya sa Ugnay ng Pilipinas at
00:07China.
00:08Kasundo nito ng pag-uusap ng DFA Secretary Maria Teresa Lazaro at Chinese Foreign Minister Wang Yi na nagbangkit-umano
00:15ng mga politikong naninira raw sa China.
00:18May unang balita si JP Soriano.
00:23Prangkahang nag-usap-umano sa telepono si the Department of Foreign Affairs of DFA Secretary Teresa Lazaro at Chinese Foreign
00:30Minister Wang Yi ayon mismo sa DFA.
00:33Pero ininarawan ding constructive ang pag-uusap.
00:36Batay sa Chinese State News Agency na Xinhua, hinimok-umano ni Chinese Foreign Minister Wang Yi ang Pilipinas na maging
00:43maingat sa paghawak ng maritime issues at magkaroon ng iisa at makatuwirang posisyon.
00:49Pagdating sa China policy.
00:52Partikular umano niyang binanggit ang mga politikong paulit-ulit na umaatake at naninira sa China dahil sa pansarili umanong interes
01:00at political prejudice.
01:02Walang pinangalanan sa ulat.
01:04Bago nito, ilang beses nang inalmahan ang China ang paninindigan ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. sa karapatan ng Pilipinas
01:12sa West Philippine Sea.
01:14Sabi ng DFA, nagkasundo ang dalawang foreign ministers na panatilihin ang diplomasya at dialogue.
01:21Iwasan ang mga hakbang at pahayag na makapagpapalala ng tensyon at resolbahin ang mga hindi pagkakaunawaan ng mapayapa at responsable.
01:31Napag-usapan din ang maritime issues pero nakatoon ito sa pagbabalik ng relasyon ng dalawang bansa sa dati.
01:37Binigyang diin din ang DFA na nananatiling committed ang Pilipinas sa maayos na relasyon sa China
01:44ng naaayon sa national interest at independent foreign policy ng Pilipinas.
01:51Natanong ang Malacanang, umpisa na ba ang kasundoang ito na tigil na rin ang saguta ng China at Pilipinas?
01:58Dapat nadadaan sa diplomasya pero hindi natin mapipigilan ang iba natin mga liderato na ang mandato ay ipagtanggol ang ating
02:07karapatan at ang interest natin sa West Philippine Sea.
02:09Ang nabuong kasunduan sa pagitan ng China at Pilipinas na ituloy lang ang diplomatic dialogue ng dalawang bansa na taon
02:16ilang araw bago ang nakaschedule na ASEAN Leaders at Related Meeting Summit dito sa Pilipinas.
02:21Nadadalohan ng mga pinakamakapangyarihan leaders sa mundo gaya ng US President Donald Trump.
02:26Pero wala rong indikasyon sa ngayon na pupuntahan ito ni Chinese President Xi Jinping.
02:31Sa ngayon, ang ikalawang pinakamataas na leader ng Communist Party ng People's Republic of China pa lang ang inaasahang dadalo.
02:38Ipinaabot na ng DFA kay Wang na inaabangan ito ni Pangulong Bongbong Marcos kapwa tiniyak ng dalawang opisyal na bibigyan
02:47ng kaukulang pag-asikaso ang mga leader sa kanilang pagdalo sa dalawang summit.
02:52Ito ang unang balita, JP Soriano, GMA News.