00:00May patikim na ang isang grupo sa protestang ikakasa nito sa ASEAN Summit.
00:04Partikular ang pagtutol sa pagpunta rito sa bansa ng US President Donald Trump.
00:09Nakatutok si Marie Zumali.
00:14Ayon sa National Organizing Council, 95% na raw na handa ang Pilipinas
00:19para sa gaganaping 49th ASEAN Summit and related summits simula sa November 16 hanggang 18.
00:25Pero November 14 pa lang inaasahan na ang pagdating ng mga head of state
00:30mula sa ASEAN member countries at mga kaalyadong bansa.
00:33Hindi pa malinaw kung makakarating si Chinese President Xi Jinping
00:36pero maasa pa rin ang Pilipinas na magiging aktibo ang China bilang mahalagang dialogue partner ng ASEAN.
00:43Nais kasing matapos na ngayong taon ang negosasyon sa Code of Conduct sa South China Sea.
00:48I'm sure China realizes and recognizes that it is an important dialogue partner ng ASEAN.
00:52All member countries, all member states, and even those supporting us in the region
00:58would like to see the realization of the conclusion of the negotiations on the COC this year
01:05because this was the mandate given by the ASEAN leaders
01:07that pagdating nitong 2026, sana makonclude na yung negosyation sa COC.
01:13Sa pagtatapos ng ASEAN chairmanship ng Pilipinas,
01:17layo naman ang gobyerno na maisulong ang mga inisyatiba sa digital transformation.
01:22Pagpapalakas ng micro, small, and medium enterprises
01:25at paglikha ng mas maraming oportunidad sa trabaho at negosyo para sa mga Pilipino.
01:31Di pa man nagsisimula ang summit nagdaos na ng isang simbolikong kilos protesta
01:36ang grupong bayan bilang pagtutol sa inaasahang pagdating sa bansa
01:39ni U.S. President Donald Trump.
01:41Trump! Trump! Trump! Trump!
01:46Inihayag din nila ang kanilang 12-day protest campaign laban sa U.S. President.
01:50Ginagawa tayo ni Trump na pambala sa kanyon sa China.
01:54Tinatambakan tayo ng mga sundalo, base militar, mga missile at drone systems
02:00para maging lunsara ng kanilang gera.
02:03Kinakaladkad tayo sa panganib ng digmaan.
02:06Sa mismong araw ng pagsisimula ng ASEAN summit,
02:09magsasagawa raw ang grupo ng malawakang protesta sa Metro Manila
02:12at iba't ibang bahagi ng bansa pati sa abroad.
02:15Mariz Umali na Katutok, 24 Horas.