00:00Ngayong may umiiral na El Niño, 4H ang ipatutupad kaung nais sa pagsususpindi ng klase ayon sa Department of Education.
00:08Naglabas naman ang bagong panuntunan ng Malacanang sa pagpapatupad ng class suspension sa nakabase naman sa tatlong mekanismo, yung automatic,
00:16local at granular.
00:18Narito ang aking unang balita.
00:23Kung may bagyo, automatic, may class suspension depende sa storm signal.
00:27Kung dahil naman sa habagat, kailangan hintayin ang anunsyo mula sa palasyo o lokal na pamahalaan.
00:32May mga pagkakataon ding inilalabas ang suspension ng klase kung kailan na sa paaralan na ang mga estudyante.
00:39Ang mga isyong yan ang naisolusyonan ng bagong labas sa Executive Order 130 o ang framework sa suspension at resumption
00:47ng klases at on-site work sa mga paaralan.
00:50Sa ilalim nito, mas decentralized ang suspension o resumption ng mga klase.
00:55Depende sa tatlong mekanismo.
00:58Una, ang automatic suspension.
01:00Pangalawa, yung local suspension o yung depende sa mga lokal na pamahalaan.
01:05At ikatlo, ang granular suspension o yung galing mismo sa mga paaralan.
01:11Hindi na lang storm signal sa magdidikta kung may automatic suspension.
01:15Magtatakda ng bagong pamantayan para dyan ang pag-asa, feebox at DNR.
01:19Sa localized suspension, ang local chief executive ang maglalabas ang suspension kung saan tutukuyin ang saklaw ng mga lugar at
01:26paaralan.
01:27Maari rin mag-suspend din ang klase ang pamunuan ng isang paaralan kung may banta sa kaligtasan sa mismong lokasyon
01:32nito.
01:33Sa ilalim nito, ng granular suspension na kailangan pa rin i-coordinate sa LGU.
01:37Binibigyan ito, nito ng dagdag na kapasidad ang mga lokal na pamahalaan para magpasya kung saan mga lugar o paaralan
01:46lang ang magkakansila ng klase.
01:48Depende sa aktual na kalagayan dito.
01:51Mas direkta ang aksyon, mas angkop ang tugon ng mga LGU.
01:56Magkakaroon din ng kakayahan ang mga paaralan na magsuspindi ng klase.
02:01Base sa Department Memo ng DepEd, kapag sumisipa ang temperatura, lalo't umiira lang Super Alnino,
02:07apat na H ang ipatutupad sa pagsuspindi ng klase.
02:11Hayo, hinay, hinga at hinto.
02:14Tuloy ang face-to-face klases sa hayo o kapag 27 degrees Celsius pababa ang heat index.
02:20Sa hinay naman o kapag 27 hanggang 32 degrees Celsius sa damang init,
02:24bawas oras ang face-to-face klases o magpapatupad ng hybrid o home-based learning.
02:29Suspendido muna ang lahat ng face-to-face klases sa ilalim ng hinga
02:32o kapag pumalo ng 33 hanggang 41 degrees Celsius sa heat index.
02:37At hinto o tigil na ang lahat ng in-person klases at home-based learning
02:41kapag tumuntong sa 42 degrees Celsius o higit pa ang damang init.
02:47Ayos sa pag-asa ang namumulang bahagi ng heat index,
02:50ay patikim na ng Super Alnino.
02:52Yan ay kahit amihan si Sona.
02:53May mga lugar na kung saan may karagdagang 0.5 to 1 degree Celsius po na temperature
03:00yung mararanasan natin.
03:02Unti-unti po mababawasan yan as we approach November, December, and January.
03:06By January, higit nabawas na po itong mga numbers na nasa danger level niya.
03:11Maagad na raw nilang inilabas ang heat index monitoring
03:13para mapaghandaan ng publiko ang very strong Alnino
03:16pagdating ng hot or dry season sa susunod na taon.
03:20So yung March, April, and May, kapag dumating na po tayo doon by 2027
03:25at naapektuhan tayo ng Alnino,
03:27doon po natin mas mararamdaman yung init
03:30at ganoon na din po yung mas kakulangan sa tubig.
03:33Ito ang unang balita.
03:34Ivan Mayrina, GMA News.