00:00Pati presyo ng bigas, posibleng tumaas sa agitan ng pagbulusok ng piso contra dolya.
00:04Ayon sa Department of Agriculture, nagbabadya ang taas presyo sa Nobyembre.
00:09Saksi, si Tina Pangaliban Perez.
00:14Sa pagsasara ng palitan kanina, nakabalik sa 63 peso level ang palitan ng piso contra dolya.
00:23Bago yan, dalawang araw nasa 64 level ang piso.
00:27Record low ang 64 pesos at 17 centavos na naitala noong October 27.
00:34Dahil sa pababang halaga ng piso, pangamba ng Department of Agriculture,
00:39magmahal ang mga produktong agrikultural na inaangkat ng bansa.
00:43Limbawa sa bigas, of course, kakailangan natin na mas maraming piso para bumili ng the same volume.
00:52Yung imported na presyo ng bigas, may mga posibleng paggalaw yan.
00:57Because malaki na yung itinaas ng dollar.
01:01And of course, magre-reflect yun.
01:04At pangalawa, yung freight cost ay gumagalaw din dahil sa presyo ng petroleum product.
01:11So may epekto ito dun sa presyuhan.
01:14Lahat ng fertilizer natin na imported din yan.
01:18So yan, may epekto rin yan.
01:21Kasi we need more peso to buy them.
01:24So ibig sabihin nun, pagbalik nun dito, mas mahal.
01:27Hanggang nitong October 22,
01:30mahigit 4 million metric tons na ng imported na bigas ang dumating sa bansa.
01:35Pero nabili raw ito noong mas mababa pa ang presyo sa pandaigdigang pamilihan.
01:40Ang pag-angkat ay bilang paghahanda sa Super El Niño.
01:45Base sa monitoring ng Department of Agriculture,
01:48nasa 50 hanggang 55 pesos ang kada kilo ng bigas sa mga palengke.
01:53Posibleng tumaas pa raw ito sa Nobyembre kapag dumating na ang mga susunod na shipment
01:58ng imported na bigas na binili ng pababa na ang halaga ng piso.
02:03Pero, hindi naman natin nakikita pa yun hanggang December na papalo ng 16.
02:08Para mas marami ang makabili ng mga murang produkto,
02:12pinalawak daw ng DA ang kadiwa.
02:14Pagdating naman sa supply, hindi lang ng bigas,
02:18kundi pati na rin ang karne, isda at gulay,
02:21tiniyak ng DA na no need to panic.
02:24We have enough volume and inventory hanggang matapos ang 2026
02:30ng mga pangunahing pagkain natin na nakarating na sa ating bansa,
02:35both imported, of course, yung ating local production.
02:38Hindi tayo magpapano kasi meron tayong sapat na pagkain para sa lakas.
02:42Ang isa paa niyang tinututukan ng DA ay kung paano matutulungan
02:47ang mga magsasaka at mangingisdang apektado ng pagalaw
02:50ng palitan ng piso at dolyar at ng Super El Niño.
02:54May iba't-ibang programa na anya ang iba't-ibang departamento,
02:58gaya ng TUPAD, AICS, Fuel Subsidy, at Cash for Work Program,
03:03kasama ng pamimigay ng DA ng libreng binhi, fertilizer, at patubig.
03:09Tina Panganiban Perez, ang inyong saksi!