- 6 hours ago
- #gmanews
- #serbisyongtotoo
- #breakingnews
24 Oras: (Part 3) Undas 2026; Babala vs mga laruang squishy; Nalason sa tuba-tuba?; Halloween display sa bahay ni Alden, atbp.
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Mga Kapuso, nagpasaklolo sa National Bureau of Investigation ng dalawang babaeng biniktima umano ng nagpanggap na buyer ng kondo.
00:08Ang inireklamo ng molestya ng araw, bina-blockmail pa sila para magka pera.
00:14Tunghaya ng aking eksklusibong pagtugon.
00:18Kapwa, full-time sales executive ng mga high-end condominium, sina Janice at Carla, hindi nila tunay ng mga pangalan.
00:26Una silang nagain ng reklamo sa QCPD at kalaunan sa NBI dumulog para ireklamo ang isang lalaki na nagpakilala raw
00:35na buyer ng 3-bedroom unit.
00:38Pero ibaraw pala ang pakay.
00:41Napapansin ko nung una medyo nagiging flirty na po may mga indecent proposal na po siya na may mga freebies
00:48ba daw po akong ibibigay sa kanya pag bumili siya ng kondo.
00:52Niyaya pa raw siya ng nagpakilalang buyer na magnet.
00:54May kasama po siyang baby, anak na daw po na lalaki.
00:58Isamukay ka muna sa sasakyan, mag-ikot muna tayo kasi nagugutam din yung son ko.
01:04Isip ko, wala siyang gagawin sa akin kasi kasama niya po yung anak niya.
01:07Pero nang nasa sasakyan na, habang tulog daw ang bata noon sa likuran.
01:11Doon na po siya nag-start na parang hinahawakan niya yung legs ko, ganyan-ganyan.
01:15Sabi niya, ano, ganyan, babayaran kita, ayaw ako po, ganyan.
01:18Sabi ko, may bata, may bata, gumagano'n po ako.
01:22Po talaga ako sinisigaw kasi ayokong matakot yung bata sa likod.
01:25Baka makita niya, baka pag nagwala ako, magalit yung lalaki.
01:29Baka biglang banggain na lang yung sasakyan.
01:32Hindi po talaga ako makaryak.
01:34Hindi raw agad na kapag sumbong si Janice sa nangyari.
01:37Pero ang akala niya ay tapos na ang bangungot.
01:40Hindi pa pala.
01:41Nang nakatanggap siya ng text messages sa lalaki kinabukasan at hinihinga na siya ng pera.
01:48Alaman daw po ng asawa niya kung ano daw po yung ginawa doon sa sasakyan.
01:52Dahil may camera daw po, ganyan.
01:54Sabi niya po sa akin, sendan mo ko ngayon ng pera kasi ipapadilit ko itong footage ito.
02:02Kasi ang sabi ng wife ko, ipopost niya daw to sa social media.
02:06Isasend niya daw to sa workplace mo.
02:08O, patanggalan ka daw niya ng trabaho.
02:10Yun po yung sinasabi.
02:11Ang way po kasi ng pang mablockmail niya sa akin is ginagamit niya po yung wife niya.
02:15Nakapagsend ng kulang 50,000 peso si Janice.
02:18Sa takot na may skandalo, kakit siya parao ang biktima rito.
02:24Pagkatapos, nawala ng parang bula ang lalaki.
02:26Ang sales executive namang si Carla, sa ibang pagkakataon na kilala ang peking buyer.
02:32Ang storya po niya sa amin, ikakasal siya eh.
02:34So, ending na ipasok po niya yung stag party.
02:36So, sabi naman po niya, kasabay daw po ng reservation fee, yung bayad niya rin po dun sa pag-stag
02:43party niya.
02:44Momodel ka ba? Sabi niya ganun.
02:46Kasi, meron sana kung mas magandang i-go-offer.
02:49Hindi tulad ni Janice, si Carla nakapagsumbong agad sa supervisor niya.
02:54Pero ang trauma, bit-bit pa rin daw niya.
02:57Kami kasi nag-work kami.
03:00Tapos, parang, lagi kami nababastos.
03:02Ibang tao, iniisip na parang sa work namin, na binibenta namin yung sarili namin para makabenta.
03:12Which is, parang, hurtful kasi dumadami na sila ganun.
03:17Parang, laging, every time, kahit po, kahit po si personal, parang, ang dami na pong bastos talaga.
03:23Pag alam nila ang ahente, iniisip po nila, kabastos-bastos na bibenta rin po namin yung katawa namin para makabenta.
03:32Nakilala na ng NBI sa tulong ng mga complainant ang lalaki.
03:35Ito yun, siya yun, siya yun, siya nga yun.
03:37In-identify mo, may pasabihan?
03:39Na-identify ko po na member talaga siya ng company na yun.
03:42Nag-sumiti na rin ng karagdagang mga ebidensya ang mga complainant.
03:46Mahirap po kasi parang nag-resign din po ako sa work.
03:49Kung ganun kalakas yung loob mo na gumawa ng kalukuan sa harap ng bata sana,
03:55ganun din kalakas yung loob mo na umarap at sumuko.
03:59Gusto rin kulang din po talaga siyang maparosahan kasi po para po magiging tanda lang din po doon sa iba
04:04na hindi po, porket ahente kami, is babastosib na rin po nila kami na parang gano'n gano'n na,
04:11na parang kaya nilang bilhin lahat.
04:13Emile Sumangil, Nakatutok 24 Oras.
04:16Hindi umano dahil sa electric vehicle o EV.
04:20Kaya nasunog ang MV June Aster nitong September ayon sa Philippine Coast Guard.
04:27Ang sabi ni PCG Commodore Jeronimo Tuvilla sa pagdinig sa Senado,
04:32nagmula sa likurang bahagi o rear cargo ng barko ang mitya ng apoy.
04:38Meron daw doong combustible materials na nasunog sa tindi ng inik.
04:43Indikasyon din ang nilang napansing mga bakal sa bahagi ng barko na yuping-yupi.
04:49Ang sakay namang EV ng barko, nasa unahan daw sa may bandang rampa kung saan maayos ang ventilation.
04:58May mga naihain na raw na kaso ang PCG at kakasuhan din ang kapitan ng barko.
05:03Sa 77 namang nasawi, 67 dito o 67 lang ang natutukoy ang pagkakakilanlan.
05:19Makakapuso, dalawang weather system ang makakaapekto sa ilang bahagi ng bansa.
05:23Iyan ang northeast monsoon o amihan at shear line na nabubuo sa pagsasalubok ng malamig at mainit na hangin.
05:31Sa ngayon, hindi pagkaanong ramdam ang lamig ng kamihan dahil kasisimula pa lamang ng pag-ihip niyan sa ating bansa.
05:38Walang bagong samanampanako na namamataan o nagbabadyang makaapekto sa Pilipinas sa mga susunod na araw pero may chansa pa rin
05:46umulan.
05:47Base sa rainfall forecast ng natural weather, may chansa ng ulan sa ilang bahagi ng Apayao, Quezon, Mindoro, Palawan at
05:52Samar Provinces.
05:54Pagsapit ang hapon, posibleng na rin ulanin ang iba pang bahagi ng northern at central Luzon at Mimaropa.
05:59May mga pag-ulan na rin sa western Visayas, Negros Island at central Visayas.
06:03Paghandaan din yan sa iba pang bahagi ng Mindanao, posibleng ang heavy to intense rates kapag may thunderstorms na pwedeng
06:09magpamaha o magdulot ng landslide.
06:11Sa Metro Manila, mainit at mahalinsangan pero nananatili ang tiyasa ng ulan lalo ba ng hapon?
06:19Nasa Pilipinas, si U.S. Department of War Secretary Pete Hegset, nakipagpulong siya sa mga defense minister ng bansa,
06:28na miyembro ng Association of Southeast Asian Nations o ASEAN.
06:33Nakatutok si Luan May Rondina ng GMA Regional TV.
06:39Alas otso kaninang umaga, nang magsidatingan sa Maktan Expo, ang mga defense ministers mula sa Brunei, Indonesia,
06:48Lao PDR, Malaysia, Cambodia, Vietnam, Singapore, Thailand, Temor Leste at Myanmar.
06:55Sinalubong sila ni Department of National Defense Secretary Gilberto Gibo Chudoro na siyang chairperson sa international meeting.
07:02Lalong makabuluhan ang pulong na nataon sa ikalamampung taong anibersaryo ng Treaty of Amity and Cooperation in Southeast Asia,
07:11na isang legally binding peace treaty na pinermahan ng mga founding members sa Association of Southeast Asian Nations o ASEAN
07:20noong 1976.
07:22Sa opening statement ni Secretary Tudoro, binigyang diin niya ang kahalagahan ng internal stability at intra-ASEAN unity.
07:30ASEAN was founded on the belief that our strength lies in our diversity.
07:36We must therefore not allow our differences to divide us from within and where such differences exist.
07:47Maliban sa meeting ng mga defense ministers mula sa mga ASEAN member countries at sa mga dialogue partners nila,
07:54may dalawa pang informal meetings ang ASEAN defense ministers kung saan isa sa kanilang makakasama ang Secretary of War ng
08:02Estados Unidos.
08:04We're not going to agree on everything, nor do we need to.
08:08But an agreement on the fundamentals is enough to support practical cooperation where our shared interests are overlapping and are
08:16clear.
08:16And that's the type of cooperation the Department of War will continue to pursue with our ASEAN partners.
08:22Luan Merondina, nakatutok 24 oras.
08:27Apat na beses umanong hinatiran ng kickback si Sen. Jingoy Estrada.
08:31Ayon po yan kay dating Department of Public Works and ASEAN undersecretary, Roberto Bernardo.
08:37Una naman ng kampo ng Senador, bakit wala sa mga naunang affidavit ni Bernardo ang pangalan ni Estrada?
08:42Nakatutok si Bea Pinlak.
08:48Dumalo kanina ng nakasaklay si Sen. Jingoy Estrada sa bail hearing ng kanyang plunder case sa Sandigan, Bayan.
08:55Kaugnay ito sa umano'y 573 million peso kickback na natanggap niya sa mga flood control project noong 2025.
09:04Sa kanyang testimonya, sinabi ni dating Public Works and ASEAN na hinati sa apat na delivery ang pera para kay
09:13Estrada.
09:14Tauhan daw ni Bernardo ang naghatid ng pera sa bahay ng Senador sa San Juan noong November 2024, December 2024
09:21at February 2025.
09:23Pero noong June 2025, si Bernardo na raw mismo ang nag-deliver nito kay Estrada kasama ang driver niya.
09:32Pansamantala raw nakalagay ang kahon-kahon ng pera sa bulletproof vehicle na nakaparada sa isang hotel sa Maynila bago umano
09:40'y dinedeliver kay Estrada.
09:42Walang maipakitang litrato, video o text message si Bernardo na nangyari ang mga delivery.
09:48Paliwanag niya, alam kasi niya na talagang iligal ang naturang transaksyon.
09:53Sabi ni Bernardo, si Estrada mismo ang humingi ng tulong niya para itulay siya kay dating DPWH Secretary Manuel Bonoan
10:01dahil marami raw tutulungan ng Senador sa eleksyon.
10:05Ginisan ang kampo ni Estrada si Bernardo dahil wala sa mga naunang afidavit niya ang pangalan ni Estrada at nilagay
10:12lamang ang Senador sa mga susunod niyang afidavit.
10:14Hirit na abogado ni Estrada, na-pressure lang ba si Bernardo na idawit si Estrada dahil baka hindi umano ito
10:22tanggapin na maging state witness?
10:24Sagot ni Bernardo, wala pa raw kasi siyang hawak na ebidensya nung panahon na yun at mahirap aniang ipahamak ang
10:31kaibigan.
10:46Muling iginiit ng kampo ni Estrada na walang kinalaman ang Senador sa flood control scandal.
10:51Beya Penlap, nakatutok 24 oras.
11:00Buhay na naman ang diwa ng pagbibigayan ngayong Pasko.
11:04Tamang-tama ang malapit ng pagbubukas ng Noel Bazar sa World Trade Center.
11:10Ihanda na ang inyong mga OOTD dahil pwede nang mapasainyo ang mga pre-loved items ng pabulitong artists at radio
11:19DJs
11:20sa Celebrity Ukay-Ukay ng GMA Kapuso Foundation, ang malilikom mapupunta sa ating mga proyekto.
11:31Dear Papa Dudu, itago niyo na lamang ako sa pangalang June.
11:37Malamig ba ang iyong darating na kapaskuhan?
11:41May payo ang ating radio host ng Barangay Love Stories ng LS 97.1 na si Papa Dudu.
11:51Kanagaan mo ang iyong sarili, magsuot ng mga damit na komportable ka na makakatulong para maibalik ang iyong kumpiyansa sa
11:58iyong sarili.
11:59And speaking of pag-aayos ng sarili, ito mga damit na isinuot ko sa Barangay Love Stories ay pwede mong
12:07imine sa Celebrity Ukay-Ukay.
12:10At kung meron ka mang pinupormahan, perfect itong casual jacket na isinuot mismo ni Papa Dudu sa isa sa kanyang
12:20interview.
12:20Instant glow up naman kapag namain ang mga chic dress at red jumpsuit ni Asia's Limitless star, Julie Ann San
12:31Jose.
12:31Itong red na jumpsuit na ito ay ginamit ko sa isa sa mga events ko.
12:38Especially magkapasko, diba? Uso ang red outfits.
12:42So pwede niyong gamitan sa mga parties, sa mga events ninyo, or kapag may special location.
12:47Lahat ng iyan, at iba pa ninyong Christmas shopping list, pwede mabili sa mahigit 300 merchants sa Noel Bazaar sa
12:58World Trade Center mula November 25 hanggang November 30.
13:03Expect to discover local brands.
13:06Ako, nakaka-excite niya kasi madaming mga businesses, syempre, that are very creative with how they present their product.
13:13And syempre, marasasagap din na pagkain. Hindi naman din niya nawawala sa Noel Bazaar.
13:17It's a difficult year, but with the way Filipinos are, with our ingenuity and our positivity,
13:29hopefully, we bring a lot of sales and we also bring a lot of donations to the beneficiaries and geo
13:40-recommercial corporations.
13:41Sa mga nais makiisa sa aming mga projects, mag-shopping na sa Noel Bazaar.
13:49Aalamin daw ni Batangas 2nd District Representative Jerville Luistro ang detalya ng umunoy 1.3 billion insertion para po sa
13:58kanyang distrito sa version ng 2027 General Appropriations Bill ng Kamara.
14:03Basi kasi sa pagsusuri ng People's Budget Coalition, kasama ang distrito ni Luistro sa may pinakamalaking isinigit para sa mga
14:11proyekto ng Department of Public Works and Highways o DPWH.
14:14Pero sabi ni Luistro, hindi raw makumpirma o makikita ng DPWH District Engineering Office ang sinasabing insertions.
14:22Ang pagkakaintindi raw kasi niya e kung ano ang nasa National Expenditure Program o NEP na inihanda ng Department of
14:30Budget and Management ay ganun din ang nasa House General Appropriations Bill.
14:35Ito double-check daw ni Luistro ang sinasabing insertions dahil hindi raw siya nakalahok sa budget process dahil nakatutok siya
14:42sa gumugulong na impeachment trial bilang House Lead Prosecutor.
14:47I will be looking into that wing. What I can say is I was not able to participate in the
14:55budget process and that is because of the impeachment trial.
14:58But I am very much interested to know the details about that.
15:15Extended na simula bukas ang oras ng dalaw sa Manila North at South Cemetery.
15:22Marami na rin bawal simula bukas. Alamin sa pagtutok ni Maris Uman.
15:31Kung noon November 1 daw talaga siya dumadalaw sa puntod ng Yumaong Asawa sa Manila South Cemetery,
15:37ngayong taon ayaw nang sumabay sa dami ng tao ni Lourdes.
15:40Ngayong araw na lang daw kung kailan birthday rin ng Yumaong Asawa.
15:44May deprensya na ako sa tuwod kasi. Mahina na yung mga buto ko.
15:48Kaya simula nung nagkaroon ako ng sakit, hindi na talaga ako dumadalaw ng one.
15:56Maging sa Manila North Cemetery, may mga naunan na rin dumalaw.
16:00Inaalala nila ang siksikan sa sementeryo, lalot na tapat sa Lingguan Todos Los Santos.
16:05Bilang PWD, mas pinili po namin na advance na dumalaw kasi ayaw nga po namin mapasabay dun sa maraming tao.
16:12May diabetes kasi akong sakit, kaya hindi ako pwede sa mainit, sa masiksikan.
16:19Tamang-tama ngayong maluwag pa sa sementeryo.
16:21Kung sa auno kasi, hanggang 2 milyon ang inaasahan dadagsa sa Manila North Cemetery.
16:26Hanggang 1 milyon naman ang inaasahan dadagsa sa Manila South Cemetery.
16:31Kaya nag-inspeksyon na si Manila Police District Director Brigadier General Arnold Santiago.
16:35Pinalaw niya ang mga puntod ng mga personalidad at mga dating Pangulo at leader ng bansa.
16:40Mas marami po ang pupunta ngayon kasi weekend, hindi po gaya ng mga araw na talagang limitado ang oras dahil
16:52may mga pasok sa trabaho.
16:54Sinilit naman ang Bureau of Fire Protection ang mga posibleng maging fire hazard.
16:58Pinagtatanggal na rin ang mga hagdang pwede raw daanan ng mga kontrabando sa Manila North Cemetery.
17:03Nagkabit na rin ang mga dagdag ilaw.
17:05Dahil bawal na maglinis ng mga puntod, simula ngayong araw, tinupis ka na ang mga pandinis at pampintura sa entrada.
17:12Pinatatanggal din ang mga naka-helmet at face mask.
17:15Ready naman na ang may puntod finder at may tag-exister para sa mga bata para di mawala sa Manila
17:20South Cemetery.
17:21Ready na rin ang mga gustong kumita.
17:23Maikot po namin tas marami pong bumili.
17:26May mga gumagawa rin ng lapida.
17:27Yung mga hindi na po nakikita yung mga pangalan.
17:30Ganun po.
17:31Mga luma na po talaga.
17:33Hindi na po mabasa.
17:34Yung iba, basag na.
17:37Tapos yung iba, talagang luman-luman na.
17:40Pero ang bentahan ng bulaklak hanggang ngayon na lang pwede sa loob ng sementeryo.
17:44Hanggang ngayon na lang din muna ang living at cremation.
17:47Paulit-ulit daw na paalala sa mga dadalaw sa sementeryo,
17:51bawal magdala ng anumang uri ng alak, anumang uri ng hayop.
17:55Mga matutulis na bagay gaya ng itak, kutsilyo at pati baril.
17:59Lahat ng uri ng pansugal gaya ng madjung at baraha.
18:02At pati na rin ng sound system o di kaya ng gitara.
18:06Huwag na po tayong magdala ng mga pinagbabawal na para hindi po sila maantala.
18:10Simula bukas hanggang November 2.
18:12Bukas ang sementeryo mula 5am to 8pm sa Manila North Cemetery.
18:16Habang hanggang 9pm naman sa Manila South Cemetery.
18:19Meron po tayo rito mga tinalaga ng mga dalawang hagdan dito sa loob ng sementeryo,
18:26sa Kalayaan, at dito po sa Olimpia.
18:30Magdala po kayo ng tubig at payong.
18:33Mariz Umali Nakatutok, 24 oras.
18:36Kinwestiyon ni dating Dabao City Chief Information Officer Jeffrey Tupas
18:41ang rekomendasyon ng National Bureau of Investigation na sampahan siya ng mga reklamo.
18:45Sa Department of Justice, iniimbestiga ng NBI ang mga akusasyon ni Rodolfo Gracioso
18:50tungkol mo sa delivery ng mali-maletang pera sa ilang mga personalidad.
18:55Giti Tupas, walang naipakitang ebidensya si Gracioso na inabutan nito si Tupas ng maletang may pera.
19:02Pinabulaan nandini Tupas sa payag ni NBI Director Melvin Matibag
19:05na kanya galing ang impormasyong may banta sa kanyang seguridad.
19:10Ang NBI raw mismo ang pumunta sa bakay ni Tupas noong September 29
19:14at voluntaryong nagpadala ng mga agente.
19:18Pinasinungalingan din ni Tupas ang kwento ni Matibag
19:20na siya ang humiling ng sampinas sa NBI.
19:23Invitasyon o mano ang hiningin ni Tupas sa NBI
19:25para sa alok ng agensya na pagsasailalim sa kanya sa protective custody.
19:30Ayaw kay Tupas, malino na hindi ito tunay ng mga hakbang para sa kanyang kaligtasan
19:34kundi panlilin lang para ipitin at pilitin siyang maging testigo.
19:39Sa mga mamimili na ng pangregalo sa mga bata,
19:43iwasan muna yung isang nauso pero pinarecall na laruan sa Amerika at sa UK.
19:49Yan ang squishy na ayon sa isang grupo ay posibleng delikado.
19:54May babala rin ang Food and Drug Administration.
19:58Nakatutok si Dano Tingkungko.
20:03May iba't ibang hugis, kulay, at texture.
20:07Yan ang patok na patok ngayong laruan na kung tawagin ay squishy.
20:11Mapabata o matanda, enjoy sa paglalaro nito.
20:14Pero may babala ang Food and Drug Administration sa publiko,
20:17lalo ngayong magpapasko at marami ang mamimili ng pangregalo.
20:21Kabilang sa tinukoy ng FDA na huwag bilhin at gamitin ang squishy na may pangalang Delicious Blue.
20:28Iturang dimsum ang lalagyan nito at mismong laruan.
20:31Ayon sa FDA, hindi ito otorizado at walang Certificate of Public Notification para payagang maibenta sa merkado.
20:39Hindi rin daw ito dumaan sa tamang pagsusuri at proseso
20:42kaya posibleng naglalaman ng mga kemikal na pwedeng magdulot ng endocrine disruption
20:47o kaya'y reproductive or development effect.
20:50Maaari rin makaaksidente ang maliliit na parte nito.
20:54Pinuri ng grupong Ban Toxics ang advisory ng FDA.
20:57Pero bukod sa Delicious Blue, may iba pang squishy na hindi ligtas.
21:01Dati nang nagbabala ang grupo sa paglipanan ng naturang laruan
21:05dahil sa posibilidad na naglalaman nito ng kemikal na benzene na lubhang delikado sa mga bata.
21:10Sa America at United Kingdom nga raw, nagkaroon na ng product recall sa mga squishy
21:15dahil sa benzene na iritant sa mata, ilong, lalamunan at digestive tract.
21:20Lumalabas din sa pag-aaral ng World Health Organization
21:22na maaaring magdulot ng epekto sa dugo at kanser ang benzene.
21:26Kaya bukod sa public advisory, panawagan ng grupo sa mga otoridad.
21:31Hinihikayat ang mga local government at iba pang mga regulatory agencies
21:35to act para kumpiskahin o alisin sa mga pamilihan itong squishy.
21:42Ang kailangan kasi natin madetermine dito ay alin dito yung mga sinasabing otorizado.
21:49Dito kasi sa mga nasuri ng ating FDA ay mga unauthorized ito.
21:54So yun yung kailangan madetermine, sino ba rito, sino ba sa mga iba't-ibang klase ng squishy toys
22:01na mabibili natin o makikita natin sa ating pamilihan
22:04ang registered at notified ng ating regulatory agencies.
22:10Kung walang kompletong product info, walang maayos na information, huwag nang bilhin.
22:15Payo pa ng FDA maging mapanuri sa pagpili ng bibilhing laruan lalo para sa mga bata.
22:20Tingnan natin talaga yung packaging, yung label.
22:24Tingnan natin kung nagko-comply ito dun sa regulatory standards na manufacturer's name,
22:30address nito, ingredients, as much as possible, ay dapat nakalagayan sa pakete.
22:36Ihanapin natin yung license to operate number.
22:39Ito ay ibinibigay ng FDA doon sa mga registered and notified na mga produkto
22:45katulad nitong mga laruan.
22:47Kung may amoy ito, kakaiba man or sweet, kung medyo matamis,
22:51ay iwasan po natin dahil yun po yung karakteristik ng chemical na ito.
22:56Pwedeng tingnan sa FDA website na fda.gov.ph ang iba pang tips
23:00para masigurong ligtas ang squishy na bibilhin.
23:03Pag may nakitang kahinahinalang squishy o ibang laruan,
23:07pwede itong idulog sa isumbong ng gobyerno.
23:10Dano Tingkong, ko nakatutok 24 horas.
23:18Magandang gabi mga kapuso.
23:20Ako pong inyong Kuya Kim na magbibigay sa inyo ng trivia sa likod ng mga trending na balita.
23:2413 minor na edad ang sinugod sa ospital sa South Cotabato
23:27matapos makakain ng isang putas na nakakalason.
23:30Anong paat sinprutas yan na dapat iwasan?
23:37Sa ospital ang bagsak na 13 kapataang ito.
23:40So bakit daw ang kanilang tiyan na hilo at nagsuka?
23:43Matapos kumain ng isang putas na kanilang napitas
23:46sa kanilang bayan sa Coronadal sa South Cotabato.
23:49Ang putas na ito, pabilog daw at sinlaki ng siniguelas.
23:53Ula'y verde ito paghilaw at nagiging brown kapag hinug na.
23:56Ang laman naman ito, puti.
23:58Meron din ito mga buto.
23:59Ang tawag nila rito, kasla, kilala din sa tawag na tuba-tuba.
24:04Kwento ng ina ng isa sa mga biktima na si Pamela.
24:07Haapon daw nitong lunes ng pagdiskitahan ng mga bata
24:09ang puno ng tuba-tuba sa kanilang barangay.
24:12May isang bata na nagsabi na makakain daw po yun
24:15dahil nakita niya po sa YouTube.
24:18Binirata niya po.
24:19Bago niya binigyan kay isang mga kasamahan niya,
24:22marami pong bata na kain.
24:23Yung kumuha ng kasla, yun ang pinakamaraming nakain.
24:27Siya yung natamaan talaga sa tigsuka siya.
24:30Tapos sumakit yung tiyan niya, tapos nahilo po siya.
24:33Kaya agad daw nilang sinubot sa ospital ng mga bata
24:35na nakakain ng tuba-tuba.
24:37Sa dalawang ambulance po yung pumunta dito at kinuha sila.
24:40We attended 13 pediatric patients.
24:42We have closely monitored their vital signs
24:44and observed them for 24 hours
24:46to monitor for possible competition.
24:49Kumusta na kaya ang lagay ng mga bata
24:50na nakakain ng tuba-tuba?
24:52Kuya Kim, ano na?
24:54Ang Jatroofa-Curcas o tuba-tuba,
24:56isang halamang karaniwang nakikita sa Pilipinas.
24:59Hindi po siya native sa Pilipinas.
25:01Nanggaling po siya sa Mexico,
25:03siya ka sa Americas po,
25:05dinala dito ng mga Espanyol.
25:08Ang puno nito,
25:09umabot ng hanggang 20 feet ang taas,
25:11habang ang buho naman nito,
25:12mabango.
25:13May parte din to na parang mani daw ang lasa,
25:16kaya madalas na pagkakamala,
25:17naligtas tong papakin.
25:19Pero paalala ng mga eksperto,
25:21wag na wag tong kakainin.
25:22Ang iba't ibang parte kasi ng tuba-tuba,
25:24nakakalason sa ating katawan.
25:26Ang mga buto nito,
25:27may taglay na toxin na kemikal na kong tawagin,
25:30surkin at four bolesters.
25:32Nagkukos po siya ng diarrhea,
25:34vomiting.
25:35Sadalasan po,
25:36sa mga bata po siya talaga,
25:37pinaka nakakaapekto.
25:39Kasi hindi pa matibay yung pangatawan.
25:42Pwedeng maging lethal po,
25:43pag marami po talaga yung nakain nila.
25:47Samantana,
25:47matapos ang obserbahan ng mga bata,
25:49nakalabas na sila ng ospital.
25:50Sa awa po ng Diyos,
25:52safe naman po lahat.
25:53Si Lilian naman,
25:54may ipaalala sa mga gumagawa
25:56at nagpopost ng videos online
25:57tukot sa mga nakakalasong halaman.
26:00Sa mga content creator,
26:01hindi lang po number of views
26:03or number of likes
26:04dapat yung iniisip nila,
26:05kundi yung magiging epekto mismo
26:07sa mga nakakapanood.
26:09Kaalaman ang ating unang depensa
26:11mula sa anumang kapahamakan.
26:13Kaya ugalingin,
26:14alamin muna kung ano ang ating kinakain
26:16para iwas diskrasya.
26:18Pero sakali bang makaranas ng food poisoning,
26:20ano ba ang dapat tandaan?
26:26Sakaling ma-food poison,
26:27agad mag-rehydrate.
26:29Palitan ng nawawalang fluids at electrolytes
26:31sa pamamagitan ng pag-inom ng tubig
26:33o kaya yung oral rehydration solution.
26:35Iwasan munang uminom ng mga inuming
26:37may mataas na sugar content
26:38gaya ng juice
26:39dahil maaaring mapanalaan ito
26:41ang diarrhea.
26:42Kung mas mahaba na sa tatlong araw
26:44ang diarrhea,
26:45mas mataas na lagnat
26:46o tuloy-tuloy na pagsusuka
26:47at severe dehydration,
26:49mainam na magpatingin agad sa doktor
26:51para sa agarang atensyong medikal.
26:54Samantala,
26:54para malaman ng trailer sa likod
26:55ng viral balita,
26:56i-post o i-comment lang
26:57hashtag Kuya Kim.
26:58Ano na?
27:00Laging tandaan,
27:00kimportante ang may alam.
27:02Ako po si Kuya Kim
27:03at sangot ko kayo
27:0424 hours.
27:06Kinilala ng National Council
27:08for Children's Television
27:09ang GMA Network,
27:10mga programa
27:11at ilang personalidad nito
27:12sa 2026 Philippine Conference
27:14on Children and Media
27:16Child Friendly Content Awards.
27:18Dalawang child-friendly TV programs
27:20naman ng GMA
27:21ang nakatanggap ng special grants fund
27:23para ma-produce.
27:25Nakatutok si Von Aquino.
27:28India Provoting Child.
27:30Sa 2026 Philippine Conference
27:32on Children and Media
27:34Child Friendly Content Awards
27:35ng National Council
27:37for Children's Television,
27:38ginawara ng
27:39Child Friendly TV Compliance Award
27:41ang GMA at GTV.
27:43Kinilala rin
27:44ang mga kapuso shows
27:45kabilang ang pinasarap,
27:47Amazing Earth,
27:48I Believe
27:49at Born to be Wild.
27:50CFTV Champion
27:51si na Chris Chu,
27:53Doc Ferds Resho
27:54at Atom Araulio.
27:55Para sa akin,
27:56isa sa pinaka-fulfilling
27:57na karangalan
27:59at pagkilala
28:00yung sinasabing
28:03isa kang ehemplo
28:04sa mga kabataan.
28:05It's very humbling
28:06at saka
28:09nakakasarap
28:09sa pakiramdam.
28:11Lalo po ako na-inspire
28:13para pagbutihin
28:14ang aking trabaho.
28:15Dalawang GMA Network
28:16Child Friendly TV programs
28:18naman ang ginawara
28:19ng special grants fund
28:20ng NCCT.
28:22Kabilang dito
28:23ang Planet XP Season 2
28:25na isang immersive
28:26adventure reality show.
28:27Nililibot ng host
28:29na si Miguel Tan Felix
28:30sa mga komunidad
28:31para ipakita
28:32sa mga batang audience
28:33ang pag-connect
28:34sa kalikasan.
28:35Isa ito sa pagpapatunay
28:37na tayo sa GMA
28:38Entertainment.
28:39We don't just do shows
28:41sa para lang mag-entertain.
28:42It's also important
28:43for us na
28:44yung content natin,
28:46yung programs natin,
28:47meron din na share
28:48na values,
28:51mani-import
28:51na magagandang
28:53experience
28:54for our audience,
28:55especially for the young ones,
28:57lalo na sa panahon ngayon.
28:58Gusto rin natin silang
28:59balik sa TV
29:00para makita nila
29:02na ang content
29:03na mapapanood na sa TV
29:04ay worth their time.
29:06Ginawaran din ang grant
29:08ang Animal Code
29:09na isang experiential
29:10documentary
29:10and adventure series
29:12tungkol sa mga
29:13positive characteristics
29:14ng mga hayop
29:15na pwedeng kapulutan
29:16ng aral
29:17ng mga bata.
29:18We want to be able
29:19to inspire our viewers
29:21na magkaroon
29:23ng positive action
29:24at outlook
29:26sa ating mundo.
29:28This grant
29:30from the NCCT
29:31it validates
29:32that mission
29:33na kaya natin
29:34gawin ito
29:35at kaya pa natin
29:36gumawa ng more
29:37with the help
29:38of our partners.
29:39Ang grant
29:40para sa limang
29:40child-friendly TV shows
29:42ay ibinigay sa ilalim
29:43ng NCCT
29:44Children and Media Compact.
29:46Isa itong platform
29:47para sa collaboration
29:48ng mga institusyon
29:49at mga sektor
29:50para makapagbigay
29:52ng ligtas,
29:52dynamic,
29:53inclusive
29:54at child-friendly
29:55media environment
29:56para sa mga batang Pilipino.
29:58It affirms
29:59our shared commitment,
30:01our shared responsibility
30:03to promote content
30:04that respects
30:05children's rights,
30:07reflects their
30:08diverse experiences,
30:09supports their development
30:11and gives them
30:12opportunities
30:13to learn,
30:14imagine.
30:15Von Aquino
30:16nakatutok,
30:1724 oras.
30:18Not to show off
30:19but to heal
30:20his inner child.
30:22Yan daw
30:22ang dahilan
30:23ni Alden Richards
30:24kung bakit
30:24todo effort siya
30:25sa pag-decorate
30:27ng kanyang bagong bahay
30:28in time for Halloween.
30:29Silipin natin yan
30:30sa chika
30:31ni Nelson Canlas.
30:35Ipinasilip
30:36ni Alden Richards
30:37ang kanyang bagong tahanan
30:38sa isang
30:39exclusive village
30:40sa Makati City.
30:42Pero ops,
30:43harap lang muna
30:44this time.
30:45In time for Halloween,
30:47pinadecorate ni Alden
30:48ang mga nakakata
30:49cute na cutouts
30:50ang harapan
30:51ng kanyang bahay.
30:52Mula sa witches,
30:53pumpkin lanterns,
30:55pati na mga ghosts,
30:57ilaw,
30:57at bawat detalye
30:58ng disenyo
31:00na itinransform
31:01ang kanyang home
31:01facade
31:02sa isang mistulang
31:04theme park.
31:04For me,
31:07it's also a way
31:09of healing
31:11my inner child
31:11as well
31:12because growing up,
31:14wala akong
31:16vivid memory
31:17of me
31:17participating
31:18to a trick or treat.
31:19I really have a soft spot
31:21for kids.
31:21Siyempre.
31:22Sobra.
31:23Kasi
31:25there are a lot
31:26of aspects
31:27that has been
31:28taken away
31:28when I was young
31:29na I was not
31:30really able
31:31to live out
31:32my childhood.
31:33So ngayon,
31:34parang nahihil yun
31:36sa akin
31:37kapag nakakagawa
31:38ako ng ganito.
31:39Pero ang kanyang
31:40pag-decorate
31:41may mas malalim
31:42daw na dahilan.
31:43Nang malaman ni Alden
31:45na papayagang
31:46magpapasok
31:46ang kanilang village
31:48ng mga bata
31:49mula sa iba't-ibang lugar
31:50para ma-enjoy
31:51ang dekorasyon
31:52ng mga tahanan doon.
31:54Agad daw silang
31:54nagplano ng kaibigang
31:56si Paul Infante
31:57para i-design
31:58ang isang Halloween decor
31:59na ikatutuwa
32:01ng mga kids
32:01at kids at heart.
32:03This is for the kids.
32:04This is not for me.
32:06This is not to
32:07to like
32:09ano ba
32:10sabihin natin
32:11i-mag-flex
32:11to flex
32:13or to show off.
32:15I just want
32:16to give back
32:17because
32:17this year
32:18has been very
32:19has been very
32:21very good to me.
32:22I just can't wait
32:23to see their faces.
32:24Sana
32:24maging core memory
32:25to na parang
32:26oh no nag-trick or treat
32:26kami sa bahay
32:27ni Kuya Alden
32:29ito yun
32:30ito yung naaalala nila.
32:31Nelson Canlas
32:32updated sa
32:33Showbiz Happenings.
32:35Kinumpirma ng kampo
32:36ni second gentleman
32:38attorney
32:38Manz Carpio
32:39na siya
32:39nagsampan ang kaso
32:40laban sa inarest
32:42ng journalist
32:42na si Philip
32:43Lustre Jr.
32:45Sagot ng tagapagsalita
32:47ni Carpio
32:47sa mga batikos
32:48na pinatatahibig
32:49ang press.
32:50Karapatan
32:51umano ni Carpio
32:51ang magsampan ang kaso
32:53lalo kung may basihan
32:54ito.
32:55Paglilinaw din nila
32:56sa issue ng
32:56maling address
32:58umano ni Lustre
32:58pinapayagan niya
33:00ang last known
33:01address
33:01kung hindi alam
33:02ng complainant
33:03ang kasalukuyang
33:04address ng respondent.
33:05Itinanggi rin
33:06nilang minadali
33:08ang pagsisilbi
33:08ng warat.
33:11Good news
33:13sa sport.
33:14Aabante
33:15sa quarterfinals
33:16ng 2026
33:18Torrey
33:18Pan Pacific Open
33:19sa Japan
33:20si Pinay
33:21tennis ace
33:22Alex Iala.
33:23Pinalo ni Iala
33:24sa round of 16
33:25ang Australian player
33:27na si Talia Gibson.